What's Hot

Mikee Quintos, nami-miss na ang 'unpredictable' at 'spontaneous' na taping

By Marah Ruiz
Published July 22, 2020 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Nagiging 'spontaneous' at 'unpredictable' ang mga araw ni Mikee Quintos kapag may taping.

Nami-miss na daw ni Kapuso actress Mikee Quintos ang magtrabaho at mag-taping para sa mga serye.

Nami-miss na rin daw niya ang kanyang mga katrabaho.

"Oh my gosh, 'yung taping as a whole as in sobrang nami-miss ko. Everything about it--from waking up early which means I'm not having sleep pa, to the travel going to the location, and then spending a whole day in that location working around people na I actually miss," pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bukod dito, ang taping daw kasi ang naghahatid ng 'spontaneous' at 'unpredictable' na mga bagay sa kanyang araw.

"Sa taping days na-realize ko gusto ko pala 'yung feeling na pagkarating ko doon hindi mo alam anong oras ka uuwi. Gusto ko 'yung pagka-spontaneous ng trabaho natin," aniya.

"Doon ako nag-e-enjoy eh. Hindi ko alam kung sinabi ng iba, it's a Saguittarius thing. Do you believe in that? Lumalabas 'yung ugali kong ganoon na nag-e-enjoy ako sa spontaneous stuff. Na-miss ko 'yun, 'yung magiging unpredictable ulit 'yung araw ko. That's what I miss more than anything," dagdag pa ni Mikee.

Ito raw ang isa sa mga naging motivation niya para muling gumawa ng videos para sa kanyang vlog.

"Ngayon kasi, parang every day alam mo na paggising mo, hindi naman ako pwedeng luambas today. Walang nakakagulat na mangyayari. 'Yun nga 'yung feeling ko kaya ako naganahang mag-vlog. Na-miss ko 'yung feeling na 'yun, na may possibility na may unexpected thing na mangyayari today," paliwanag niya.

Alamin ang iba pang saloobin ni Mikee sa pagbabalik trabaho sa eksklusibong video sa itaas.

A post shared by Mikee Quintos (@mikee) on


Samantala, naglabas ni Mikee kamakailan ng panibagong vlog kasama ang kanyang kaibigan at kapwa Kapuso star na si Ruru Madrid.

Nag-perform din siya sa stay-at-home version GMA Playlist Live nitong nakaraang weekend.