
Malapit nang mapanood sa GMA Network ang award-winning K-drama na The Penthouse na isa sa mga pinakasikat na programa sa South Korea ngayon.
Pagbibidahan ang serye ng renowned actors na sina Lee Ji-Ah, Um Ki-joon, Kim So-yeon, Yoon Joong-hoon, at Eugene.
Tampok sa The Penthouse ang mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floored luxury apartment, ang Hera Palace. Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya sa lipunan ng residente.
Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskweklahan kahit pa sa hindi patas na laban.
Kabilang din sa cast ang mga aktor na sina Bong Tae-kyu, Shin Eun-kyung, Yoon Joo-hee, Joo Soo-min, Kim Hyun-soo, Kim Young-dae, Han Ji-hyun, Choi Ye-bin, Jin Ji-Hee, Lee Tae-vin, at marami pang iba.
Tunghayan ang laban para sa kapangyarihan, edukasyon, at ambisyong maging angat sa lahat sa The Penthouse, malapit na sa GMA!