GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's Hot

'Maria Clara at Ibarra,' magiging bahagi ng Magiting DigiCon ng Ayala Foundation

By Marah Ruiz
Published December 20, 2022 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Magiging parte ng Magiting DigiCon ng Ayala Foundation ang ilang mahahalagang tao sa likod ng 'Maria Clara at Ibarra.' Alamin kung sino-sino sila dito.

Napili ang hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra para maging bahagi ng isang digital conference tungkol sa buhay ng bayaning si Dr. Jose Rizal.

Ilang mahahalagang tao sa likod ng Maria Clara at Ibarra ang magiging guest speakers sa 7th Digital Magiting Conference ng Ayala Foundation na ang tema ay "Rizal Revealed: Muling Kilalanin ang Magiting na Bayani."

Kabilang sa mga panauhin si Kapuso Drama King Dennis Trillo na gumaganap sa serye bilang Crisostomo Ibarra, series director Zig Dulay, at concept creator and headwriter Suzette Doctolero.

Makakasama rin nila sina GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable at Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy.

Tatalakayin nila ang pagbuo ng Maria Clara at Ibarra, ang ambag ng top-rating at much-loved na serye sa nation building at pati na ang kahalagahan ni Rizal sa pang-araw-araw na buhay.

Abangan ang Maria Clara at Ibarra sa 7th Digital Magiting Conference na magsi-stream sa December 29, 9:00 a.m. sa Facebook page ng Ayala Foundation.



Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.