What's Hot

LOOK: Derek Ramsay at Andrea Torres, magkasama sa Dubai

By Marah Ruiz
Published September 27, 2019 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay Andrea Torres in Dubai


Matapos umamin tungkol sa kanilang relasyon, magkasamang nagtungo sa Dubai sina Andrea Torres at Derek Ramsay.

Ngayong gabi, September 27, ang mainit na pagtatapos ng hottest primetime teleserye sa bansa na The Better Woman.

Kasalukuyang namang magkasama sa Dubai ang mga bida nitong sina Derek Ramsay at Andrea Torres para sa isang event.

Nagbahagi si Derek ng selfie nila ni Andrea habang nasa harap ng Burj Khalifa.

"Beh Juliet!!!!! Di ka kasama!! Hahahaha," pabirong sulat ni Derek sa caption ng kanyang post.

Ang tinutukoy niyang Juliet ay ang karakter ni Andrea sa The Better Woman.

Ito kasi ang pumagitna sa relasyon ng kakambal nitong si Jasmine, na ginampanan din ni Andrea, at kanyang karakter na si Andrew.

Beh Juliet!!!!! Di ka kasama!! Hahahaha

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

Minsan na rin sumama si Andrea kay Derek para suportahan ito sa kanyan frisbee competition sa China.

Umamin kamakailan ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Samantala, huwag palampasin ang pinaka mainit na pagtatapos ng kanilang teleserye na The Better Woman ngayong gabi, pagktapos ng The Gift sa GMA Telebabad.

WATCH: Ang mainit na pagtatapos ng 'The Better Woman' | Finale teaser

WATCH: Derek Ramsay and Andrea Torres confirm relationship