
Happily in a relationship raw ang status ng magkasintahang Mark Herras at Nicole Donesa kahit na sunud-sunod ang kanilang proyekto sa Kapuso network.
Kuwento ng dalawa, naglalaan raw sila ng oras para makasama ang isa't isa lalo na tuwing walang trabaho.
Saad ni Mark, “Wala kaming any problem na iniisip ngayon. Siguro, work, then pag wala kaming ginagawa we spend time with each other.”
Kaya naman ang tanong ng karamihan, handa na bang mag-settle down ang dalawa?
Kinikilig na sagot ni Nicole, “Ako soon. Sigurado ako na gusto ko si Mark.
“If it's a topic about the future, yep, si Mark.”
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago:
#Nabihag: Mark Herras and actress Nicole Donesa confirm relationship
LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa's sweet couple photos