
Back to work na si Derek Ramsay na naghahanda sa isang upcoming project kasama ang girlfriend na si Andrea Torres.
Ang tanong ng marami, nakikita na kaya ni Derek kung mauuwi sa kasalan ang kanilang relationship?
Open na open daw sina Derek at Andrea na ipakita ang kanilang relasyon, lalo na't magkasundo ang kanilang pamilya.
Possible kayang mauwi na sa kasalan ang kanilang relasyon? Sagot ni Derek, “Siyempre, possible 'yan. Everything is just perfect, swak na swak 'eh.”
Naaprubahan na rin daw ang annulment ng dating kasal ni Derek, kaya wala ng magiging problema kung maisipan nitong ikasal muli.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
READ: Derek Ramsay says meeting Andrea Torres made his 2019 special