
Excited na ibinalita ni Kapuso actress Max Collins kay 24 Oras reporter Cata Tibayan na natapos na ang sensitibong first trimester ng kanyang pagbubuntis.
WATCH: Pancho Magno shares Max Collins's first ultrasound exam
Dahil dito, sunod nang pinaghahandaan ng mag-asawang Max at Pancho Magno ang gender ng kanilang baby.
Magkaiba ng gusto ang dalawang Kapuso stars. Saad ni Max, "He (Pancho) wants a girl, I want a boy. Pero kahit ano naman siyempre basta healthy but sana boy, sana boy."
Bukod pa rito, napapadalas daw ang craving ni Max sa Italian food habang ipinagbubuntis niya ang kanilang baby.
Inanunsyo ni Max na nagdadalang-tao siya noong December 2019.
Panoorin ang kabuuan ng Chika Minute report ni Cata: