GMA Logo Ken Chan
What's Hot

Ken Chan, hanga sa mga babaeng kayang maunang magpahayag ng kanilang nararamdaman

By Maine Aquino
Published June 14, 2020 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Saad ni Ken Chan, "'Yung ganung klaseng babae talaga yung magtatagal para sa 'yo..."

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken Chan, ibinahagi ng aktor ang kanyang paghanga sa babaeng hindi takot magpahayag ng kanilang nararamdaman sa taong gusto nila.

Kuwento ni Ken sa interview para sa kanyang pagsali sa online dating show E-Date Mo si Idol, "Sobrang bilib ako sa mga babaeng malakas ang loob na gumawa ng first move kapag meron silang isang tao na nagugustuhan.

"Kasi ako personally, bilang isang lalaki, duwag ako sa ganyan eh. Mahiyain kasi talaga ako. Hindi talaga ako 'yung ma-a-approach kapag mayroon akong babaeng nagugustuhan."

Dagdag pa ni Ken ay ang kanyang pag-amin ng kanyang pagiging torpe or mahiyain.

"Alam 'yan ng mga kaibigan ko. 'Yun bang parang torpe so parang high school pa lang ako torpe na talaga ako. Hanggang ngayon torpe pa rin talaga ako."

Ikinuwento naman ni Ken ay ang kanyang nakikitang mga rason kung bakit saludo siya sa pagiging matapang sa pag-amin ng nararamdaman ng isang babae.

"Ibig sabihin matapang siya, ibig sabihin malakas ang loob niya, ibig sabihin pure 'yung love niya sa 'yo kasi hindi siya nahihiyang ipakita kung ano yung love na puwede niyang gawin para sa 'yo or yung love na puwede niyang ibigay para sa 'yo."

Pagpapatuloy niya, sila umano ang mga tipong kayang ilaban ang pagmamahal para sa isang tao.

"Makikita mo in the long run yung ganung klaseng babae talaga yung magtatagal para sa 'yo kasi ipaglalaban at ipaglalaban ka niya. 'Yun 'yung point of view ko sa mga babaeng naglalakas ng loob na aminin 'yung nararamdaman nila para sa isang lalaki."