
Happy na naman ang Team ZoEl dahil nakipagkulitan sa kanilang mga fans ang The One That Got Away stars na sina Rhian Ramos at Jason Abalos.
Bukod sa paglalaro ng ilang games, sinagot din nila ang ilang tanong ng mga fans.
Isa na rito ang tungkol sa mga favorite nilang eksena so far sa serye.
"Ako gustong-gusto ko 'yung kabuuuan ng pamilya namin. Parang ramdam ko talaga na may pagmamahal, lalo na kay Tita Snooky. Siyempre ZoEl, ang daming magagandang eksena," pahayag ni Jason.
Pinili naman ni Rhian ang break up scene ng mga karakter nilang sina Zoe at Gael.
"Although hindi siya happy scene, I actually enjoyed afterwards doing the break-up scene. Noong time na 'yun mahirap siya gawin and masakit siyang gawin. Afterward, it was a really good feeling knowing na naramdaman kita doon. I always love that feeling—'pag na feel mo 'yung scene with your partner," aniya.
Dahil sa magandang chemistry na ito, biro ni Jason na bigyan muli sila ni Rhian ng project pagkatapos ng The One That Got Away.
Sinundan naman ito ni Rhian ng hashtag na #GiveMeARhiSon para simulan ang kampanya para muli silang ipagtambal.
Panoorin ang kanilang paglabas sa GMA ArtisTambayan: