Pen Medina, inaming nabigla sa pagtanggap ng role sa ‘Aso ni San Roque’ | GMANetwork.com - Entertainment - Home of Kapuso shows and stars - Articles

Aminado si Pen na na-challenge at nabigla sya ng tanggapin nya ang role ni Mother Ben. Bukod sa short notice ito, ibang klaseng preparation ang kailangan niyang gawin para sa 'Aso ni San Roque'. 

Pen Medina, inaming nabigla sa pagtanggap ng role sa ‘Aso ni San Roque’


 

Isa sa mga kagigiliwan nating tauhan sa ‘Aso ni San Roque’ ay si Mother Ben, ang  aampon kay Fatima, ang bida ng istorya. Ginagampanan  ito ng seasoned character actor na si Pen Medina. Marami ang nagtaka kung bakit niya ito tinanggap, isang role na malayong malayo sa mga characters na nakasanayan ng mga manonood. Bakit nga ba?
 
Aminado si Pen na na-challenge at nabigla sya ng tanggapin nya ang role ni Mother Ben. Bukod sa short notice ito, ibang klaseng preparation ang kailangan niyang gawin para sa 'Aso ni San Roque'. 
 
"May bigote pa ko kasi at may ginagawa pa kong project na hindi pa tapos so pag natapos gusto ko ahitin na todo na, pati nga kilay pinabawasan ko."
 
Tuloy pa niya biglaan pa ito kaya medyo nahirapan sya sa preparation para sa role ni Mother Ben.
 
"One day, virtually one day ang ibinigay sa akin, dapat yung  ‘Indio’ ang gagawin ko, yung macho at rebelde [ang role], pero sabi nila sa akin may gagawin akong iba. Nabasa ko yung script, ang bigat kasi nga for Eddie Garcia tapos pilantod pa ko dito."
 
Inamin din niya na although it is an honor na sya ang sumalo sa role ni Eddie Garcia, hindi nya mapigilang ma-pressure dahil dito.
 
"Ang laking pressure din dahil icon, legend at institusyon si Manoy (Eddie Garcia). So nag cramming ako, kung ano lang ang naalala ko sa mga nakakatrabaho kong make-up artist, reporters, yung ang pinaghalo-halo ko. Tapos kinabukasan bahala, actually it’s a work in a progress. Pag naahit ko yung bigote ko siguro mas magugustuhan niyo."
 
Pero kahit na nahirapan at nabigla siya sa preparations para sa role ni Mother Ben, nilinaw niya na masaya siya na sa kanya napunta ang role.
 
"Nage-enjoy ako, kailangan mag enjoy ka kahit anong role mo. Kahit macho’t masama na rapist [laughs] challenge yan," paliwanag na veteran stage actor.
 
Mapapanood natin si Mother Ben sa 'Aso ni San Roque' gabi-gabi sa GMA Telebabad. -Loretta G.Ramirez. GMANetwork.com