Kapuso Shows
Now Airing
Diyos at Bayan
 
Aso Ni San Roque Episode Guides

Episode 90 
 
Nasa isang watch tower si Mateo at Lobert.  Nakikita nila ang pagdating ng napakaraming aswang.  Ikakasa ni Mateo at Lobert ang mga baril nila. Maingat silang sasakay sa loob ng truck na naglululan ng mga LPG at bomba. Paandarin nila ito at tatalon sila palabas. Sa akmang sasalpok ang truck sa mga hanay ng aswang, susugod si Sento at sasapakin ang truck. Sasabog ang truck at lulukubin ng malakas na pagsabog ang mga hanay ng aswang.  Patay si Sento kasama ng maraming aswang. 

Episode 89
 
Alam nila Supremo na patay na si Lualhati. Pero hindi pa tapos ang kanilang problema hangga’t buhay pa si Fatima. Alam nilang matapang ang mga tao dahil may Liquid X silang panlaban. Pero para kay Supremo,  kaya niyang takutin muli ang mga tao.  Tinawag niya para bumangon muli ang mga sinaunang lamang lupa na tutulong sa kanila para puksain ang mga tao. At binigyan pa ni Supremo ng karagdagang kapangyarihan at lakas sila Tika, Markus at Kanlaon.

Episode 88 
 
Hindi malaman ni Mateo kung babalikan ba si Lualhati o dapat na nilang lumayo ni Fatima.  Marubdob naman ang kagustuhan ni Fatima na balikaN nilang mag-ama si Lualhati.
 
Hinang hina na si Lualhati sa pagkakatuhog ng kahoy sa kanya ni Ornias.  Magagawa pa ni Ornias na hugutin muli ang kahoy para itarak muli kay Lualhati.  

Episode 87
 
Babarilin ni MATEO (TJ Trinidad) si LUALHATI (LJ Reyes) para hindi nito masaktan si FATIMA (Mona Louise Rey), pero hindi mamamatay si Lualhati! Aaminin ni Mateo kay Fatima habang tumatakas na hindi pa rin niya kayang patayin ang asawa, dahil mahal pa rin niya ito—pero hindi rin niya hahayaan na saktan nito si Fatima.

Episode 86 
 
Nagsumbong na nga si BERNICE (Rich Asuncion) kay SENTO (Paolo Contis) na sa bahay niya nagtatago sina MATEO (TJ Trinidad) at FATIMA (Mona Louise Rey)! Agad kikilos ang mga aswang ng lupa para hulihin na ang batang itinakda!

Episode 85 
 
Mag-aalala naman si Mateo sa panaginip ni Fatima, lalo na nang maalala nila na ang huling bangungot ng bata ay nagkatotoo. Ililigpit na ni Mateo ang mga gamit nila, pero si Fatima pa ang pipigil sa agad nilang pag-alis—dahil gusto niya munang magpasalamat kay Bernice sa pagtulong sa kanila!

Episode 84 
 
Dumating si ANGHEL para iligtas si FATIMA! Agad gagawa ang aso ng paraan para mailayo sa panganib ang batang itinakda, at makakagawa pa ng paraan para mapalaya rin si MATEO mula sa kanyang pagkakagapos.
 
Mabubulilyaso ang plano ng mga aswang, at makakahanap rin ng butas ang mga pulis sa pamumuno ni LOBERT para labanan ang mga ito!
 

Episode 83 
 
Tuluyan na ngang niyakap ni LUALHATI ang kaniyang pagiging aswang! Aakuin nito ang responsibilidad ng pagpatay sa batang itinakda—sa anak niyang si FATIMA — at ipapaalala pa sa SUPREMO na ayon sa propesiya ay siya lang ang makakapatay dito!

Episode 82 
 
Lubos ang pagsisisi ni Mateo na hindi siya nanindigan sa kanyang pangamba na may masamang pakay si Lualhati kay Fatima.  Hindi na nila mahanap si Fatima at Lualhati.
 
Samantala,  nagtataka si Fatima kung bakit siya dinala ng kanyang ina sa isang kweba.  Sasalubungin sila ni Tika at uutusan si Lualhati na itali si Fatima. 

Episode 81 
 
Hindi bumibitiw si Mateo sa pagtutok ng baril kay Lualhati.  Ramdam niya na wala nang magandang pakay si Lualhati sa kanilang mag-ama. Hindi rin titigil si Lualhati sa pangungumbinsi kay Mateo na mabuti ang kanyang layunin,  Kahit na raw aswang na siya ay nasa kanya pa rin ang puso ng pagiging isang ina at asawa. 

Related Content
Feeds
facebook
 
twitter