Siguradong patok ang buena manong handog ng Bitoy’s Showwwtime! Kung saan susubukan Talbugan ng mga atrebidang sina Boy Kuryente, Boy Karate at Boy Mantika ang mga bidang sina Boy Gitara, Boy Bato, Boy Dila at Lady Lastiko. Sino ang papatok? Sino ang tatalbog?
Kaabang-abang din ang mga nakaka-aliw na entries sa Video Kariran. Gayundin ang mga iba’t-ibang versions ng sikat na kantang “Nobody” sa Gaya N’yo ‘Yun?
Kaya tutok na sa pinaka-bagong bida tuwing Sabado ng gabi…ang Bitoy’s Showwwtime
Pagkatapos ng highly successful na 'BFV', ito naman ang hamon ngayon kay Michael V. a.k.a. Bitoy: ang humanap ng kakaibang talented Pinoys all over the world!
Ang may kakaibang kakayahang wacky, wild, at world class ay hahanapin at pagsasama-samahin sa pinakabago at pinakakuwelang show, ang 'Bitoy's Showwwtime'!