Kapuso Shows
Now Airing
Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento
 
Broken Vow Episode Guides

Episode 92

Shocked ang dalawang lalaki na si Melissa ang tinamaan ng baril. Binuhat ni Roberto si Melissa, kasama ang dalawang bodyguards at isinugod nila sa ospital si Melissa. Nag-instruct si Roberto kay William na tuluyan na si Felix, ngunit makakatakas ito.

Episode 91

Nakuha na ni Roberto si Eva. Ikinuwento ni Amy kina Melissa and Felix kung paano nakuha si Eva nina Roberto. Akala ni Eva sina Felix at Melissa na ang dumating. Pero mga tauhan pala ni Roberto at sinunggaban kaagad ang bata para isakay sa kotse.

Episode 90

Sabay na tinutugis ng kampo ni Roberto at mga pulis sina Melissa at Felix ngunit natakasan sila ng mga ito. Nakatakbo ang dalawa sa silong ng isang kubo. Lalabas sila sa kanilang pinagtataguan nang makita ang papalayong mga paa ng mga pulis.

Episode 89

Papuputukan ni Roberto sina Melissa at Felix habang tumatakas ang mga ito. Madadaplisan ng bala sa balikat si Felix. Listong aalalayan ni Melissa si Felix upang makalayo sila kina Roberto. Makikibalita si Rebecca kay Kenneth kung nakausap na nito si Felix. Mag-aalala ito dahil baka imbis na maisalba ni Felix si Melissa ay dakipin pa ito ng mga pulis dahil tumakas ito sa bilibid.

Episode 88

Mabubuhayan ng loob si Melissa nang makita si Felix. Listo na siyang isasakay nito sa speedboat sa ‘di kalayuan. Hindi mapipigilan ng dalawa na mapaluha sa muli nilang pagkikita. Babanggitin din ni Felix na nabawi na sa kamay ng mga Sebastian si Eva. Nasa pangangalaga na ito ni Ofelia.

Episode 87
 
Mabubuhayan ng loob si Melissa nang makita si Felix. Listo na siyang isasakay niti sa speedboat sa ‘di kalayuan. Hindi mapipigilan ng dalawa na mapaluha sa muli nilang pagkikita. Babanggitin din ni Felix na nabawi na sa kamay ng mga Sebastian si Eva. Nasa pangangalaga na ito ni Ofelia.
 

Episode 86 
 
Nagkasama na ang mag-amang Felix at Eva pero hindi pa sila puwedeng umalis. Binalikan pa nila si Rebecca na nasa loob ng bahay ni Rossana. Talo na si Rebecca sa away nila ni Rossana, nakakubabaw na sa kanya si Rossana. Pero nakuha nina Felix si Rebecca.

Episode 85 
 
Tuluyang nakatakas sa ospital si Felix.
 
Tumawag si Felix kay Rebecca, humihingi ng tulong para makuha si Eva. Nabigla si Rebecca na nakatakas na pala si Felix, handa itong tumulong.
 
Umaga, inalisan ng tali ni Roberto si Melissa. Tumawag si William, reports to Roberto na nakatakas si Felix.

Episode 84 
 
Nagkausap sina Felix at Melissa, masaya si Felix na narinig man lang ang boses ni Melissa. Nag-sorry si Melissa kay Felix. Nangako si Felix na babawiin sina Melissa at Eva.
 
Si Michael ang nag-imbistiga sa mga tama ng bala sa bahay ni Amorcita. Kahit alam ni Amorcita na sina Roberto ang nanakot sa kanila, wala naman pa daw sapat na ebidensya, sabi ni Michael.

Episode 83 
 
Nakalapit na si Roberto kay Melissa sa speedboat, tinutuya si Melissa dahil ang lakas daw ng loob tumakas pero hindi naman pala marunong magpaandar ng speedboat.
 
Takot si Melissa, akala bubugbugin na naman siya ni Roberto dahil nagtangkang tumakas. Pero malambing siyang inakay ni Roberto papasok sa loob ng bahay.

Related Content
Feeds
facebook
 
twitter