Now on its 15th year, "Bubble Gang," the longest running gag-show in town, has something new to offer. In an exclusive iGMA interview, we asked comedy giants Ogie Alcasid at Michael V. kung ano nga ba ang dapat abangan sa “Bubble Gang.” Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Sa set ng
Bubble Gang inabutan ng iGMA.tv sinaOgie Alcasid at Michael V. na naghahanda para sa isang segment ng show. Agad namin silang tinanong namin kung nakaapekto ba sa kanila ang pagkawala nina Francine Prieto and Diana Zubiri sa kanilang grupo and how did they feel about it.

"Nalungkot and at the same time we are happy for them kasi they both have their reasons kung bakit iniwan nila 'yung show eh, Hindi ko nga alam kung 100% gusto nilang iwanan, pero may mga pangyayari siguro sa buhay nila na nag-trigger nung decision na 'yun. So we respect that," ang seryosong sagot sa amin ni Bitoy na isa rin sa mga creative consultants ng show.
And when we asked how the replacements are doing, Bitoy expressed his high hopes for Jackie Rice, Princess Violago and LJ Reyes.
"I'm hoping nga na maging regular na sila Jackie at si LJ. Magagaling sila at saka nakakasabay sila sa mga kalokohan namin. Even si Princess Violago nandyan at nakikigulo sa amin. Kaya naman siya napasok, ang nakita [sa kanya] 'yung pagiging youthful niya. Parang nakaka-fresh dun sa show," Michael V continued.
At dahil sa hindi pa nga final if the three young stars will take the place of Francine and Diana, tinanong din namin kung ano sa tingin nila ang qualities na dapat meron ang isang female star para maging part ng hit gag show?
"Maraming names na lumalabas, pero top of mind syempre 'yung talent nila. Bukod sa kanilang physical assets, dapat may talent," ang sagot ni Ogie.
"Yung kakayahan na maki-jive; makigulo at maki-kulit," ang dagdag pa ni Bitoy.

But they quickly clarified na wala silang say kung sino ang kukunin na replacements sa mga Bubble girls na nawala.
"Kami naman ay abang taga sunod lamang. Kung ano ang sasabihin ng Network at kung ano ang sasabihin ng management, na gusto nilang i-pa-try sa amin, 'yun 'yung gagawin namin. We can make our recommendations pero hindi naman kami nag re-reject ng tao," ang pagtatapos na paliwanag ni Bitoy.
Abangan kung sino ba ang papalit kay Francine at Diana sa
Bubble Gang. Sina Jackie, Princess at LJ na ba? Don't miss an episode of the longest running gag show in the country.
Bubble Gang airs every Friday, right after
Queen Seon Deok, only on GMA.
Do you have someone in mind na babagay sa
Bubble Gang? Pag-usapan ito sa pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
For more updates about
Bubble Gang, subscribe to Ogie and Bitoy's Fanatxt service.
Just text OGIE(space)ON and send to 4627 for all telcos. And MICHAELV (space) ON and send it to 4627 for Globe subscribers. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)