Napapanood na natin siya ngayon sa Grazilda bilang si Cinderella, at pinapatawa niya ang mga manonood every Friday sa Bubble Gang. But this December, Gwen Zamora will make her debut on the silver screen, playing the iconic role of Faye in Si Agimat at si Enteng Kabisote. Paano nga bang naging parte si Gwen ng movie na ito?
“Kasi gusto nila ng new faces,” says Gwen. “Di ba noon, kilala na yung mga faces. So they wanted to try out a new face, and I was presented to Bossing, sir Vic Sotto, and yun, nagustuhan ako.”
Ano naman ang kanyang naging first impression kay Bossing?
“Nakakatakot! Parang super ano siya, rigid. Di ko alam kung anong gagawin ko. E di nag-joke ako. I think that was the ice breaker,” paglalahad niya.
Ano naman ang kanyang pakiramdam na siya ang pinili ni Bossing para gumanap as Faye?
“Super touched kasi ako na I got the role. Hindi ko akalain na yung first movie ko would be this big. Kaya super thankful talaga ako at saka my prayers talaga were answered. Kasi I’ve been working so hard for a year doing auditions, and now that I’m getting a break, parang.. wow! Siguro it’s overwhelming, that’s all I can say,” sagot niya.
Nakakaramdam ba siya ng pressure sa kanyang role dahil isa itong character na kilalang-kilala at mahal ng mga Pilipino?
“Obviously may pressure kaya I’ll do my best. I’ll work as hard as I can kasi obviously I want to promise a good Faye, ‘di ba?”
Samantala, in a recent interview with Chika Minute sa news program na 24 Oras, sinabi naman ni Gwen na nababawasan na ang takot niya kay Bossing.
“I guess kasi madalas kaming nagkikita sa set, so ayun. When you see a person often, di ba nagiging komportable na kayo,” ikinuwento niya.
Nakapag-tape na sila ng dalawang kissing scenes. How did she feel about having her first kissing scene be with Vic?
“It was good. I don’t know what to expect e. First kissing scene ko, so I guess it was okay,” she admitted.
Hindi naman ba siya kinakabahan o natatakot dahil kadalasan ay nali-link si Bossing sa kanyang mga nagiging leading ladies?
“I’m up for anything as long as I know what the truth is, and I stand my ground,” Gwen answered with a smile.
At paano naman kung magkagusto sa kanya si Bossing in the future? Simple lang ang sagot ni Gwen. “Let’s see.”
Pag-usapan si Gwen sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! May 21, 2012
Maghanda na para sa pagdating ng superhero ng pick-upan! Mapapanood na sa June 6 ang much-awaited movie na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Solenn Heussaff, at Ogie Alcasid!



