About
Galing sa hirap, mabilis na magbabago ang buhay ni Rosanna sa kanyang pagpapakasal kay Antonio dela Merced. Pero ni minsan ay hindi siya liligaya, at sa kanyang pagpanaw, ay malalaman niya kung gaano kasaklap ang tinakbo ng kanyang buhay.
Ngayon, given a second chance by San Pedro, Rosanna returns to earth para itama ang mga maling nagawa niya. Ang kaso, she will we have to do it in the guise of a different person, bilang si Rochelle, ang bagong muchacha sa Hacienda dela Merced!
Working on a deadline, Rochelle must complete her three quests: one, ayusin at itama ang ugali ng mga kamag-anak at pamangkin na kanyang napabayaan; two, ibigay sa anak ng kanyang asawa ang acceptance, at kayamanan, na dapat naman ay kanya talaga; at three, na hanapin ang tunay na pag-ibig na hindi niya naranasan nung siya ay nabubuhay pa.
Magawa ba niya ang kanyang mga quests? At paano kung ma-in-love na nga siya? Kakayanin ba niyang iwan ang bago niyang buhay once mag-time's up na siya sa mundo ng mga tao?
Find out by watching Daisy Siete Season 23: Chacha Muchacha, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga, part of GMA's Dramarama sa Hapon.
Next on Daisy Siete: Chacha Muchacha



