Episode 76
Ituturo ni Esmeralda ang ibang direksyon para iligaw ang mga guwardiya. Tuluyan na ngang nakatakas sina Daldalita, Tazan at Goy sa circus.
Ibabalita ni Sam na hindi na niya mapapalakad pa ang zoo dahil aalis siya kasama ni Katrina at ang mga pamilya nila para magbakasyon.
Episode 75
Biglang mapuputol ang pag-uusap ni Mateo at Katrina dahil huhugutin ni Cherry ang cord ng telepono. Gagawa pa ng kwento si Cherry na matagal nang sira ang teleponong iyon at maaaring may J Zero K virus na rin daw si Mateo kaya naghahallucinate na kausap si Katrina. Aagawin naman ni Sam ang landline unit sa kamay ni Katrina at papalabasing nahawakan ni Charisse na may J zero K virus. Gagamitin ni Katrina ang kaniyang cellphone ngunit hindi na niya matatawagan pa si Mateo.
Episode 74
Nang marating ni Daldalita ang bahay ni Mateo, napag-alaman niya mula sa isang kapitbahay na nakaalis na ang huli. Binalikan naman ni Mateo ang kaniyang cellphone sa bahay ngunit nang ipa-ring ito ni Cherry ay napag-alaman nilang nasa loob lang pala ito ng kotse at naupuan ni Bobby. Tumuloy na sa probinsiya sina Mateo. Napurnada tuloy ang pagkikita ng mag-ama.
Episode 70
Hindi maniniwala si Mateo na patay na si Daldalita hangga't hindi pa nakikita ang bangkay nito. Kakausapin naman ng operations head si Mateo na imposible ang gusto niyang mangyari dahil mukhang nilapa na ang bata ng buwaya. Mahihirapan din silang makita ang buwaya. Magmamatigas si Mateo at desididong hanapin ang kaniyang anak. Hindi papayag ang operations head at pipiliting bumalik si Mateo kasama nila sa Maynila.
Episode 69
Dadating sina Daldalita at Goy sa halamanan kung kailan wala na ang kaniyang mga hinahanap. Aabutan niya ang grupo ng mga lalaki. Tatanungin niya kung sila ang rescuers. Mapapabulalas si Goy dahil may baril ang mga ito. Sila ang hunters na matagal nang hinahanap ang taong gubat na si Tanzan para ibenta sa Maynila. Mananakbo ang dalawa palayo at babalik sa kubo ni Tanzan. Hahabulin sila ng hunters ngunit hindi sila maaabutan ng mga ito.
Episode 68
Hindi maniniwala si Mateo sa sinabi ni Beki. Iniisip niyang pakulo na naman ng tatlo ang balitang iyon hanggang sa maisipan ni Tisay na ipakita ang kaniyang lumang litrato kung saan suot niya ang bracelet na isinuot niya kay Daldalita. Agad maaalala ni Mateo ang bracelet at makukumbinsi na si Daldalita at Lolita ay iisa.
Episode 67
Pupunitin ng matipunong lalaki ang net na nakabalot kay Daldalita gamit ang kutsilyo. Makikiramdam si Daldalita kung bakit hindi siya sinaksak nito. Babalik ang unggoy at sasampa sa balikat ng lalaki. Magkaibigan pala ang dalawa. Magpapasalamat si Daldalita sa ginawang pagligtas sa kaniya ng lalaki at magpapakilala sa magkaibigan. Magpapakilala din ang lalaki na si Tanzan at ang unggoy nito na si Goy. Babanggitin ni Daldalita na na-trap siya sa isla dahil bumagsak ang eroplanong kaniyang sinasakyan. Agad naman siyang papatuluyin ng magkaibigan sa kanilang kubo.
Episodes 66
Nakabuka ang bunganga ng isang buwayang nagngangalang Crocoday at akmang kakainin si Daldalita. Lalapit na sana ito sa bata nang biglang umahon sa sapa ang isa pang buwaya na si Aligaytor. Magtatalo ang dalawang buwaya sa pagkain kay Daldalita. Saka naman magigising ang bata at mananakbo papalayo. Matatakot din ang dalawang buwaya sa pagkakasigaw ni Daldalita kaya lalangoy ang mga ito papalayo.
Episode 65
Isisigaw ni Kirat kina Bobby at Daisy na mag-ama sina Mateo at Daldalita ngunit hindi naman siya maririnig ng mga ito.
Tuluyan na ngang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nina Katrina. Magigising ang lahat. Matatagpuan nila ang isa’t-isa maliban kay Daldalita.
Episode 64
Nasa labas ng party venue sina Marga at Tessa. Sinasalubong nila ang mga bisita. Dadating si Gino sa venue at may makakabanggang magandang babae. Magpapakilala ang babae at makikipagkamay sa binata. Saka naman dadating si Marga at makikitang magkahawak ang kamay ng dalawa. Biglang bibitawan ni Gino ang kamay ng babae.





