"Ako po si Abby Pineda dito," Barbie begins. Sa mga naipalabas na ng programa, ipinakilala na ang tomboy-ish spoiled brat na si Abby, at naipakita na rin ang kanyang gradual change for the better. Barbie explains, "na spoil [ako] kasi iniwan ako ng mga magulang ko: 'yung tatay ko may iba nang pamilya sa States, 'yung nanay ko wala na."
And being raised by her aunt, played by Manilyn Reynes, Barbie's character pretty much got everything she wanted—hanggang sa dumating si Enzo (Joshua Dionisio) sa buhay niya.
"Transferee po kasi siya sa school." Barbie shares with us what has happened so far, na hindi nga daw niya nakasundo nung una 'yung character ni Joshua—up to the point na nalaman niya ang karamdaman nito. "Bandang huli, naging best friends kami."
This Sunday, may bagong balakid na hahadlang sa pagkakaibigan nilang dalawa. Isang aksidenteng maghihiwalay sa kanila ng tuluyan. But here's a clue, Enzo has a heart disease that would make him need a heart transplant soon. And before their story ends, Barbie teases, "ibinigay ko na 'yung puso ko sa kanya."
Shooting for Stardom
Masaya si Barbie na nabibigyan siya ng opportunities na makatrabaho ang magagaling na artista gaya nina Jean Garcia sa Stairway to Heaven, Vic Sotto sa Ang Darling Kong Aswang—and this time, with Manilyn Reynes.
"Sobrang pleasure!" ang description ni Barbie sa kanilang working relationship ng kanyang on-screen auntie. "Kumportable po siyang kasama," she continues, telling us na lagi daw siyang kinakausap ni Miss Manilyn. "At saka pinapaalam niya sa akin na hindi ako iba sa kanya, [na] pantay kami."
After all these veterans, sino pa ba ang gustong makatrabaho ni Barbie?
"Dennis Trillo!" kinikilig na sagot ng batang aktres.
For sure though, marami na namang bagong makikilala at makakasama si Barbie after Dear Friend, lalo pa't confirmed na ang kaniyang susunod na project—ang First Luv.
Ano nga pala ang feeling ni Barbie na mayroon na siya agad susunod na project?
"Nagulat na masaya," she shares. Masaya, she adds, "kasi kaming apat ulit. At saka may primetime na kami!"
Yes, you've read right: apat ang sinabi ni Barbie! That's because aside from Joshua Dionisio, she will also be joined by Jake Vargas and Joana Marie Tan, who played the younger versions of Tristan and Eunice sa Stairway to Heaven, respectively.
Pero habang hinihintay natin ang simula ng First Luv, let us enjoy muna ang Dear Friend presents My Christmas List.
"Maraming salamat [sa mga supporters ko]," Barbie finishes. "Kasi kahit hindi ako nakakareply sa inyo, sa Facebook, sa Twitter, sobrang understanding [niyo]." Dagdag pa niya, malaki rin ang pasasalamat niya sa mga napaka-understanding niyang fans na dinidipensahan rin siya tuwing may nang-aaway sa kanya sa mga social networks na ito.
Pag-usapan si Barbie, ang Dear Friend at ang First Luv sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
At don't forget to watch the third part of the special Christmas presentation ng Dear Friend tuwing Linggo ng hapon, pagkatapos ng SOP Fully Charged. Apr 17, 2010
Muli na namang patutunayan ni Starstruck 3 Ultimate Female Survivor Jackie Rice ang kanyang galing sa pag-arte.



