Huling dalawang araw na ng hit kantaserye na Diva, kung saan nakumbinsi ni Regine Velasquez ang kanyang kaibigan na si Jaya na umarte. Dito ay nakita ng mga manonood si Jaya na magpatawa gabi-gabi. Ano kaya ang una niyang inisip noong nagsumula siya dito?
“Ang buong pag-aakala ko, I was gonna sing a lot, pero buti hindi nga masyado. Tapos siyempre, nung pumasok ako sa pag-aartista, inisip ko agad, ‘Naku drama.’ Yun pala comedy,” shares Jaya.
Ngunit pagkatapos ng Diva, iba ang gustong tahakin na direksiyon ni Jaya pagdating sa mga susunod na projects na kanyang tatanggapin.
“May sitcom kami na comedy, pero I’m hoping to get into some serious drama acting talaga. I found out madali pala umiyak,” paglalahad niya. “Madali pala siya. Madali pala siya e.”
Na-try na naman ni Jaya ang konting drama sa ilan sa kanyang mga scenes in Diva. Ano kaya ang kanyang mga pinaghugutan noon para sa mga dramatic scenes na ito?
“Tignan ko lang siya [si Regine], kasi nauuna siya umiyak sa’min e. Tinignan ko siya, then I remember, ‘Ay, yun pala ang eksena.’ E lagi naman kaming in character, so bigla na lang, ayan na, umiiyak, ayan na, take, go. Bigla lang siyang lalabas,” kuwento niya.
In the meantime, patuloy na mapapanood si Jaya sa Diva at sa kanyang bagong sitcom, ang Kaya ng Powers. Ano nga ba ang maaasahan ng mga manonood sa last two episodes ng Diva?
“Basta masaya ang Diva,” sagot niya. “Nagrecord ‘yan [si Regine] ng pagkarami-rami [nung July 22], o the other day. I have no idea.”
Abangan ang huling dalawang araw ng Diva ngayong gabi at bukas ng gabi, after Endless Love only on GMA Telebabad.
Pag-usapan si Jaya sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Jaya. Just text JAYA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) JAYA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. May 18, 2012
Do you always feel like somebody's watching you? Worry no more this Sunday because all eyes will surely be on Party Pilipinas PPTV!



