Marami ang lumuha sa pamamaalam ni Mang Elvis noong isang gabi sa ‘Diva’ at malungkot man ang mga nangyayari sa story ni Sampaguita, pinakaaabangan pa rin ang finale episode nito mamayang gabi. Ano kaya ang nararamdaman ng cast ng ‘Diva’ sa kanilang pagtatapos? Interviews by the iGMA team. Photos by Mitch S. Mauricio.
Regine Velasquez: It is sad that that is finally ending,we all had a great time. Nakakalungkot lang pero masaya kami kasi naging successful naman ang buong run ng Diva. Ang daming nakatrabaho na hindi ko pa nakjakatrabaho in the past. Marami kasing nag-guest kasi. So salamat sa lahat ng mga nag-guests for giving their time sa DIva. I will miss everybody. I love working with everybody. I'm going to miss going to work.
I will also miss my Tatay, si Mang Elvis at syempre yung nanay ko at lola ko.
Glaiza de Castro: Lahat. As in lahat. Everytime na nagte-taping kami, hindi nawawala yung tawanan, kulitan. Ang light, light lang ng mood ng bawat isa. Walang sigawan, walang ngaragan. Relax na relax lang eh. Yung camaraderie syempre. Lalung-lalo na si Ate Reg kasi pag kaeksena mo sya, you learn a lot from her just by looking at her and being with her sa eksena. So sa lahat naman din ng co-actors ko gano’n, kay TJ although nakatrabaho ko na sya before, but I have to admit na isa syang revelation. Kasi kumakanta sya, nagpapatawa sya. Sa
Stairway [To Heaven] hindi mo makakausap yan kasi sobrang naka-internalize yan eh. Gano’n din si Mark [Anthony Fernandez]. Lahat talaga, pati staff, director. Lahat talaga.
TJ Trinidad: Mami-miss ko yung company nila. Just the whole routine, seeing each other every other day or almost everyday…I’ll miss everybody and just to see them, be around them.
Jaya: Marami e. Marami masyado, hindi lang kami, yung staff, yung nagbibigay sa’min ng pagkain, yung wardrobe na naging ka-close na namin. Oo, sumobrang bonding talaga in fairness. Mamaya nga meron akong.. Hindi naman ibubuking pero iba kasi si Regine e. Iba pala siyang maging, we all know she’s the boss of the show.
Gloria Diaz: I’ve been in showbiz for so long, in teleseryes, but for the first time, we did something very different, very enjoyable and yes, thank you to the staff, to Regie, and to all of our co-stars because we worked very well together. The atmosphere on the set was all together and we all wanted to do something good.
Buboy Garovillo: Nagpapasalamat ako unang-una sa cast, at saka sa asawa ko. She really brings out the worst in me. Siguro pansin niyo naman na talagang napakatapang ng asawa ko kaya mabuti na lang na meron akong Sam na nag-aalalay. And well I’d like to thank everybody and especially the network also, kasi I think, for me personally, as a supporting artist here, I kind of discovered a lot of things na I could do for television and I really enjoyed myself. Thank you everybody, thank you Regine, and I really enjoyed doing the show. So I’d like to thank everybody and the cast.
Ynna Asistio: Yung pagkanta ko. Kasi na-share ko yung talent ko sa pagkanta na parang hindi rin naman alam ng mga tao na kumakanta ako. And yun nga, yung bonding nung cast namin. Siyempre mami-miss ko din yung tandem ni Vanessa tsaka ni Smith, and yung tandem ni Vanessa tsaka ni Luke, kasi tumatak na rin siya sa’kin e, tsaka nakilala na ng tao yung love team namin na parang meron nang, “Ay, Vanessa-Smith ako.” “Ay, Vanessa-Luke ako.” So nakaka-miss yung show mismo kasi enjoy lang kami e, enjoy lang talaga kaming lahat.
Ano kaya ang magiging ending ng istorya ni Sampaguita? Make sure to tune in tonight sa finale ng
Diva, after ng
Endless Love only here on GMA!
Pag-usapan ang finale ng
Diva sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!