Isa sa mga pinakamasisipag na artista ngayon sa telebisyon si Chariz Solomon. Recently ay katatapos lamang ng kanyang trabaho sa nagtapos na hit kantaseryeng Diva, at makakabilang siya sa cast ng Jejemom, na magsisimula na soon on GMA. Sa ngayon ay patuloy naman siyang lumalabas sa Startalk TX every Saturday, kung saan ipinapakita niya na na-master na niya ang kanyang hosting skills. Masaya naman ba siya sa hosting?
“Sobra. Ngayon, ang madalas ko nang nakaksama, si Nina [Kodaka], si Sef [Cadayona], si Princess [Snell], kaming tatlo,” says Chariz.
Mas nauna si Chariz sa kanyang mga kasama sa kanilang segments sa Startalk TX, kaya naman ayon sa kanya, siya ang nagse-set ng example para sa kanila. Kaya naman todo bigay ang kanyang energy level sa tuwing magte-taping sila para sa kanilang segment.
“Siyempre, parang mas nauna ako sa kanila, so siyempre kailangan ipakita mo na hindi ka magpakita ng attitude kasi ikaw yung tutularan nila,” kuwento niya. “Kahit sa in any way, kahit maliit na bagay lang, may makukuha pa rin sila sa’yo, may mapupulot sila sa’yo, so kailangan maging maganda kang example. Maging masunurin. And sana maging gano’n din sila kung magkakaroon pa ng bagong batch ng StarStruck.”
Ngunit saan kaya siya mas komportable, sa kanyang pag-arte o sa kanyang pagho-host?
“Sa lahat, basta kumikita ako,” biro niya. “Masaya ako sa lahat ng ginagawa ko, basta ako lang naman, basta may trabaho pa ako. Kahit ano pa ‘yan, kahit feeling ko hindi ko kaya, kinakaya ko ‘yan.”
Nakapagpatawa na siya at nakakapag-host ngayon. May gusto pa ba siyang gawin pagkatapos nito?
“Gusto kong mag-action. At saka gusto kong mag-kontrabidang comedy,” she reveals.
At sino naman ang kanyang gustong makatrabaho dito?
“Siyempre Tita Uge [Eugene Domingo], back-to-back,” sagot niya. “Pangarap lang naman ‘yon. Si Rufa Mae [Quinto], ansaya.”
Pag-usapan si Chariz sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Chariz. Just text CHARIZ (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) CHARIZ (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. May 18, 2012
Do you always feel like somebody's watching you? Worry no more this Sunday because all eyes will surely be on Party Pilipinas PPTV!



