
"It's my first trip to the U.S. kaya excited ako," nakangiting bida ni Rhian nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng kanyang bagong ini-endorse na Soda Pink fragrances sa Little Asia restaurant last March 26. "Even si Chard, kahit na he's been in the U.S. for so many times, it's his first time din to visit NYC kaya pareho kaming excited at may itinerary pa kami. "Marami kaming places na gustong puntahan doon. Ako, I want to see Central Park kasi ang ganda-ganda raw doon. 'Tapos magpapa-picture kami sa Times Square at gusto ko rin sumakay ng ferry boat papunta sa Statue of Liberty. And I want to taste din yung sikat doon na Gray's Papaya. It's a famous hotdog restaurant na ang sarap-sarap daw." Adventure Magiging adventure nga raw ito for both Rhian and Richard dahil pareho silang first time sa isa sa pinakamalaking city sa U.S.A. Exciting daw kung may pagkakataon na maliligaw sila at hindi nila alam ang mga pupuntahan nila. "That's where the adventure begins, di ba? You get lost and you ask for directions. In that way, matututo ka taking and understanding directions or magbasa ng map." Hindi nga rin daw mawawala ang shopping sa gagawin ni Rhian. Binigyan nga siya ng kanyang mga friends na nakarating na ng NYC ng listahan ng mga stores na magugustuhan niya. "Mukha ngang mapapagastos ako sa NYC!" malakas na tawa ni Rhian. "It looks like ang buong month na suweldo ko sa Zorro, e, sa shopping lang mapupunta! 'Tapos may mga nagbibilin pa na ibili ko sila sa ganitong store since nandoon na ako. Okey lang, kasi I always buy gifts or pasalubong sa mga friends and loved ones ko. "Kaya nga tayo nagwu-work para ma-enjoy natin ang mga pinagpaguran natin, di ba? Kaya I like to thank my endorsements kasi pandagdag sila sa mga panggastos ko!" Gift For JC May listahan na nga raw si Rhian ng mga bagay na pangsalubong niya sa mga kaibigan niya pero wala nga raw siyang alam na gusto ng nababalitang boyfriend niyang si JC de Vera. Sey nga ni Rhian na noong tanungin niya ito, wala raw itong gustong ipabili. Kahit ano na lang daw na iuwi nito for him ay happy na siya. "I asked JC what he wants pero he said na wala naman daw siyang gusto. Anything na ibigay ko na lang will make him happy kasi naalala ko siya. "Ako pa naman, hindi ako masyadong magaling na mamili ng pasalubong para sa lalake. Sa mga girls, madali lang kasi we almost like the same stuff. Pero sa lalake, mahirap silang hanapan ng tamang gift. Kaya kailangan you have to ask them or else baka hindi nila gusto ang iregalo mo. "But with JC, madali siyang ma-please at matuwa. Kaya kahit na siguro baseball cap or T-shirt na lang ang ibigay ko, he will like it. Aalamin ko na lang ang size niya para magkasya sa kanya," pagtatapos pa ni Rhian Ramos. PEP.ph Kamustahin sila at alamin ang latest sa Zorro straight from Rhian and Richard themselves! Text RHIAN [Your Message] or RICHARD [Your Message] Send to 4627 for all telcos. GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS RHIAN or GOMMS RICHARD to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, TM, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is only available in the Philippines. Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!



