Kapuso Shows
Now Airing
Reporter's Notebook
Dabarkads Kapuso pa rin!
Mar 11, 2011
Para matapos na ang mga bulung-bulungan, pumirma ng extension sa kanilang kontrata sa GMA-7 ang Eat Bulaga. Ano kaya ang masasabi ng Dabarkads natin? Text by Loretta Ramirez, Photos by Connie M. Tungul stars Good news para sa mga Dabarkads viewers dahil muling nag-extend ng kontrata ang Eat Bulaga sa GMA-7; silencing all rumors na lilipat na ng ibang estasyon ang longest running television show sa bansa. Present sa contract signing last Friday, March 11, 2011, sina Antonio Tuviera, President and CEO of Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at SVP and COO Malou Choa-Fagar. Sa panig naman ng GMA-7, nandoon ang mga top-executives ng network headed by GMA Chairman and CEO, Atty. Felipe L. Gozon, at GMA President and COO, Mr. Gilberto R. Duavit Jr. Nandoon din siyempre ang Eat Bulaga "Dabarkads" na sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jimmy Santos, Allan K, Anjo Yllana and Ruby Rodriguez to witness the contract signing. Sa 2012 pa dapat matatapos ang original contract ng show sa GMA ngunit para mapatibay ang relasyon ng network sa Eat Bulaga, minabuti nilang dagdagan pa ng tatlong taon ang kanilang original agreement. “Paglilinaw lang, ito ay dugtong sa kasalukuyan nating kasunduan. So ibig sabihin, hindi three years from now, but an additional three years. So the addendum, actually keeps us together [with Eat Bulaga] until 2015,” ang paliwanag ni Mr. Duavit sa press after the contract signing. Dagdag pa niya: “Nakakataba [ito] syempre ng puso dahil ang tibay ng samahan, yung respeto at kahalagahan sa isa’t isa at mahirap isipin na ang Kapuso ay hindi kasama ang Kapusong Bulaga.” Sa panig naman ng mga hosts ng show, parepareho ang nararamdaman ng mga legends sa television sa naganap na contract signing. “Pinatibay lang ang pundasyon, sapagkat ibig sabihin nyan lalagpas ang Eat Bulaga ng 32 years,” ang pahayag ni Sen. Tito Sotto, isa sa mga pioneers ng show. “Sino-solidify lang ‘yung relasyon ng Eat Bulaga at GMA.Yung dating two years, additional na three years, if I’m not mistaken ha, for a total of five years,” sabi naman ni Vic Sotto a.k.a Bossing, isa pa rin sa mga pundasyon ng Eat Bulaga. Dagdag pa ni Bossing na may halong biro, “wala namang problema dito sa Kapuso at sa GMA so in other words bakit ka maglilikot pa? Ako na lang ang maglilikot!” Kaya naman hindi na rin naiwasan ni Joey de Leon na mag-react sa pilyong pahayag ng kanyang kaibigan. “Sa akin ang pinakamahalaga makikita na ni Pareng Vic ang minamahal na nya talaga sa buhay dito sa Channel 7, sa tagal natin dito. Dito na nya matatagpuan talaga.” Pero bakit nga ba sila nag-stay sa GMA? “Noong lumipat kami sa GMA, at tumagal kami [dito] ng pinakamatagal sa tatlong himpilan, ang trabaho namin naging pahinga. Sumarap lalo, kaya lalong gumanda kaya tinuloy namin,” paliwanag ni Joey. Dinagdagan pa ito ng Mr. Tuviera ng isang makahulugang paliwanag at mensahe: “Ganito kasi ang pakiramdam namin, 16 years na kami [sa GMA] since 1995 nasa GMA na kami. Kaya ngayon ang pakiramdam namin parang renewal lang ito ng marriage vows. Parang mag-asawa na magco-continue na magbigay ng tuwa’t saya sa lahat. At lingid po sa kaalaman ninyo, talagang kami ay nananalangin na sana ay bigyan pa kami ng GMA ng mahaba pang buhay sa telebisyon para patuloy na maging parte ng buhay ng mga Filipino ang Eat Bulaga. Kaya sa GMA, nagpapasalamat kami ng buong puso. Salamat!” Pag-usapan ang good news na ito sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Mapapanood ang Eat Bulaga tuwing tanghali from Monday to Saturday, dito lang sa GMA-7.
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter