"Si Jen nakatrabaho ko na ilang beses na before kami magsama ulit dito, kaya sanay na, sanay na tayo d’yan…TV lang ‘to ha baka ano," natatawang pahayag ng aktor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Sagot naman ni Jen: “Magkaibigan kami ni Dennis tsaka hindi kami nagkakailangan (sa love scene)."
Kapwa naman naniniwala ang dalawa na hindi na lalampas sa mga karakter nila sa Gumapang… ang kanilang relasyon kahit pareho pa silang single.
Sa ngayon, nakatuon daw ang kanilang atensiyon sa kanilang trabaho at kani-kanilang anak. Katunayan, nagpapalitan pa raw sila ng parenting tips.
At ngayong Holy Week, wala raw silang ibang plano kundi magbakasyon kasama ang kanilang mga baby.
Balak daw ni Jennylyn na magtungo sa Cebu, habang si Dennis: “ Baka mag-swimming lang, mahilig kasing mag-swimming ang bata, sobrang hilig mag-swimming." --GMANews.tv
Pag-usapan sina Jennylyn at Dennis, at ang kanilang afternoon show na Gumapang Ka sa Lusak sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
For more updates about these two Kapuso stars, subscribe to their Fanatxt service. Just text DENNIS(space)ON or JENNYLYN(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive to the Philippines only.) May 18, 2010
Ano ang surprise ni Dennis noong birthday ng kanyang on-and-off-screen love?



