Pero sinabi niya rin tungkol sa status nila ni Dennis, "Of course, I want to be honest kasi, kumbaga, malalaman din naman, e. Sa ngayon po, ang totoong status is dating... dating talaga. Walang commitment, special friends."
Nilagyan naman ng kahulugan ang di pagsipot ng ex-girlfriend ni Dennis na si Cristine Reyes sa presscon ng Working Girls 2010 noong Huwebes, April 15.
Pero ayon kay Jennylyn na kasama rin sa cast, "Nasa kanya na naman yung side na yun. Wala na namang problema. Pero sana, huwag na lang bigyan ng kulay. Kasi baka mam'ya, imbes na wala, magkaroon."
MOMMY LYDIA'S CONCERN. Nakausap din ng Startalk si Lydia Mercado, ang tiya ng aktres na legally in-adopt si Jennylyn nang mag-migrate sa England ang biological mother nito.
Nabigla ba raw ito na diumano'y nagkakamabutihan na sina Jennylyn at Dennis?
"Kasi ang alam ko naman, hindi pa, e... oo, magkaibigan," sagot ni Mommy Lydia.
Tanggap naman niya?
"Yun na nga, kung saan masaya ang anak ko..."
Ano naman ang maibibigay niyang advice kay Jennylyn kung sakaling nai-in love na nga muli ito?
"Mag-ingat siya. Ingatan din niya ang sarili niya dahil nangyari na sa kanya." -- PEP.ph
Catch Jennylyn and Dennis in Gumapang Ka Sa Lusak, weekdays during GMA’s Dramarama sa Hapon.
Pag-usapan sina Dennis at Jennylyn sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Dennis and Jennylyn. Just text DENNIS (space) [Your message] or JENNYLYN (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. May 18, 2010
Ano ang surprise ni Dennis noong birthday ng kanyang on-and-off-screen love?



