Kapuso Shows
Now Airing
Eat Bulaga
Dennis at Jennylyn, may bagong discoveries about each other
May 11, 2010
Recently, nagkuwento sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado about how their off-screen romance began at kung ano mga new discoveries about each other. Text by Karen de Castro. Very sweet ang stars ng afternoon drama show na Gumapang Ka Sa Lusak na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang bisitahin ng media sa taping. starsHindi maipagkakaila na masaya ang dalawa na makatrabaho at makasama ang isa’t-isa. On camera ay dumadaan sila sa mga pagsubok as Rachel and Levi. Off-cam naman ay napakasimple ng kanilang status. Happily dating ang dalawa, and masaya naman silang mag-share tungkol sa status ng kanilang relationship ngayon. “Basta nakita ko lang siya, tapos biglang nag-click lang e, parang bigla na lang kaming nagkasundo,” kuwento ni Dennis sa kanilang pag-umpisa. “Tapos nagtuluy-tuloy na kasi everytime na nagkikita kami, mas marami akong nalalaman tungkol sa kanya, mas nakikilala ko siya.” Anu-ano naman kaya ang kanilang mga naging discoveries about each other while they were shooting Gumapang Ka Sa Lusak at nung nag-uumpisa na lang silang mag-date? “Simple lang siya, madali siyang paligayahin. Tapos mas nalaman ko kung paano siya kay AJ, sa baby niya, tapos ganun din siya sa ’kin. ‘Yung sa ugali, ang bait lang, sobrang maasikaso, sobrang alaga, at tsaka thoughtful,” says Dennis of Jen. Jen shares similar sentiments about Dennis. “Maasikaso [siya]. Sobrang maalaga ‘yan--kulang na lang buhatin ako. Mabait siya sa family niya, kasi importante na mabait siya sa family, tapos mabait siyang father kay Calix [Dennis’s son]. Maalalahanin.” We also found out na naipakilala na ni Dennis si Jen sa kanyang pamilya just a few weeks ago. “Two weeks ago, [or] three weeks, nag-lunch lang kami,” shares Dennis. Hindi naman daw niya ipinakilala si Jen as his girlfriend. “Wala, [ipinakilala] as Jennylyn--Jennylyn Mercado. Ganun lang talaga, as Jennylyn.” Naging factor din kaya ang pagkakaroon nila both ng anak sa kanilang pagbo-bonding? “Siyempre kahit papaano e malaking bagay din ‘yung nangyaring yun sa aming dalawa. May tulong ‘yun para ma-improve ‘yung bawat isa sa amin,” answered Dennis. Nakapagbakasyon na sila together last Holy Week, when they went to Hong Kong, na siyang naging umpisa ng pagiging public ng kanilang relationship. Ano naman kaya nag kanilang plans for their birthdays, na magkasunod lamang na darating this week? “May taping kami nun,” says Dennis. Dagdag naman ni Jen, “Wala pa kaming plano.” Hindi naman daw nila tinangkang itago ang kanilang relationship right from the start. “Nagkataon lang naman na andun kami e. Pero puwede naman kaming makita sa ibang lugar,” says Dennis. “In-expect na namin ‘yun. Kasi kung gusto namin magtago, e di sana nag-Africa kami,” paliwanag naman ni Jen. Catch the on-screen love connection between Dennis and Jennylyn sa Gumapang Ka Sa Lusak, weekdays on GMA Dramarama sa Hapon. Pag-usapan sina Dennis at Jennylyn sa mas pinagandang iGMA.tvForum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Dennis and Jen! Just text DENNIS (space) [Your message] or JENNYLYN (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter