Masayang-masaya si Jennylyn Mercado sa kanyang nakaraang fans day at birthday celebration sa SM Manila noong May 13, 2010. Aside from the overwhelming support from her fans, may special message pa sa kanya ang kanyang leading man na si Dennis Trillo. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Naghintay man ng ilang minuto ang kanyang mga fans, maingay at excited pa ring sinalubong si Jennylyn Mercado ng umakyat siya sa stage para magbigay ng isang song number.

Sabi nga ni Jen after the number for her fans. "Siyempre sila ‘yung dahilan kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin ako,so eto ‘yung way ko ng pagce-celebrate at pagpapasalamat ko sa kanila."
Kaya naman enjoy na enjoy ang mga fans dahil bukod sa nakasama at naka-bonding nila si Jen sa mga games, marami silang mga goodies at gift packs na inuwi. Including a personalized CD na ginawa mismo ni Jennylyn for her supporters.
Isa pang bonus ay ang surprise phone call from her leading man in
Gumapang Ka Sa Lusak na si Dennis Trillo na napapabalitang rin na ka-relasyon ngayon ni Jen.
"Hi Jen happy Birthday…sana masaya ka ngayong araw na ‘to. Alagaan mo ‘yung sarili mo." Nagsigawan at kinilig ng todo ang mga fans sa mga sinabi ni Dennis. Lalo pa silang kinilig ng tumawag ulit si Dennis before the show ended at bago pa man matapos ang kanilang paguusap ay sinabi ng aktor ang tunay niyang nararamdaman sa birthday girl.

"I love you!" ang bulong ni Dennis sa phone, pero narinig ng lahat ang special message na ito and it brought the house down. Ang reaction ni Jen?
"Speechless ako na nakakagulat!" ang sabi ni Jen backstage. Evidently blushing, she tried to explain.
"Actually hindi naman namin nagpaguusapan ‘yan, very private person kasi si Dennis. Pero, na-flatter ako, masaya. Pero ‘yung pinaka unang reaction ko nagulat ako."
Hindi lang si Jennylyn ang nagulat kung hindi pati ang mommy at manager niyang si Ms. Becky Aguila who attended the event to support Jennylyn.
"Lagot sa akin si Dennis." Ang pabirong sabi ng manager ni Jen. Samantalang si Mommy Lydia ay aminadong nagulat sa sinabi ni Dennis pero may message siya para sa dalawa.
"Ako naman kung sino ang mahal ng anak ko, susuportahan ko sya."
Kayo susuportahan ninyo ba ang tambalang Dennis at Jennylyn? Pagusapan ito sa mas pinagandang iGMA.tv Forum!Not yet a member? Register here!
Greet Dennis and Jennylyn a belated Happy Birthday.
Just key in DENNIS or JENNYLYN on your mobile phones, and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusively for the Philippines only.)