Welcome to the new GMANetwork.com. This site can be best viewed with the recommended resolution and web browsers.
ArticlesMadamdaming wakas ng Hindi Ka Na Mag-IisaOctober 24 2012 Ngayong Biyernes (October 26), saksihan ang |
|
advertisement

Jennylyn Mercado
as Elisa…

Sid Lucero
as Andrew…

Frank Magalona
as Mark

Angelu De…
as Jordana…

Carl Guevarra
as Dennis

Crystal Reyes
as Angelica…

Saab Magalona…
as Celine…

Joey Paras
as Mimi

Lloyd Samartino
as Bernard…

Ms. Liza Lorena
as Dona Asuncion…

Glydel Mercado
as Maita…
advertisement

Muling nagkita sina Andrew at Elisa sa simbahan at ipapatuloy ang naudlot na pag-iibigan.

Nasa kamay ni Jordana sina Angelica at Maita nang dumating si Elisa sa perya. Makakaligtas kaya ang mag-iina mula kay Jordana?

Ngayong Biyernes (October 26), saksihan ang madamdaming pagwawakas ng afternoon drama na Hindi Ka Na Mag-Iisa.

Hindi pa rin tapos ang paghihiganti ni Jordana kaya’t dinukot nito si Angelica. Ano na naman ang plano ni Jordana? Magtatagumpay kaya siya?

Isang araw ng pagluluksa at pag-alala ang naganap nang inilibing na ang katawan ni Mark.

Natanggap na rin ng ina ni Mark si Elisa. Ipinangako naman ni Elisa na aalagaan at mamahalin niya ang ina at kapatid ni Mark.

Isang napakalungkot na pangyayari ang bumalot kay Elisa nang nagpaalam nang harap-harapan si Mark.

Nagkita-kita at magkasama na rin ang mag-iinang sina Maita, Elisa at Angelica.

Sa wakas natagpuan na rin ni Elisa ang ina niyang si Maita. Samantala bigo naman si Jordana dahil mga papel ang laman ng bag na ibinigay ni Elisa kapalit ang buhay ni Maita.

Isang kasunduan ang naganap sa pagitan nila Jordana at Elisa kapalit ang kalayaan ni Maita. Matutupad kaya ni Elisa ang kasunduan? Magsasama pa kaya ang mag-iina?

Natunton nina Elisa kung saan patungo sila Jordana. Nalaman na rin nila na nasa mga kamay ni Jordana si Maita. Ano ang binabalak ni Jordana na gawin kay Maita?

Ilalantad na ni Angelica sa media ang pananakit at pagkulong sa kanila ni Maita ng tiyahin niyang si Jordana.

Hindi alam nila Elisa at Angelica na nasa mga kamay na ni Jordana ang ina nilang si Maita.

Malaman kaya nila Angelica at Elisa ang aksidenteng nangyari sa kanilang ina?

Naramdaman ni Dennis ang lukso ng dugo nang makita at mabuhat niya ang anak ni Celine, ngunit itinatanggi pa rin ni Celine na anak niya ito kay Dennis.

Hinananap ni Angelica si Maita, at matatagpuan niya itong nakakulong sa mansyon.

Dahil ayaw ni Jordana na malaman ni Elisa kung saan nakatago si Maita, itinago niya na ito sa sarili niyang pamamahay.

Nalaman ni Elisa ang mga masamang ginawa ni Jordana kay Maita, kaya agad itong nagsumbong sa pulisya.

Inamin ni Celine kay Elisa na hindi si Andrew ang ama ng kanyang dinadala.

Hindi man nabawi ni Elisa si Angelica kina Jordana ay gagawa pa rin ito ng paraan para muli silang magsama ng kapatid.

Nagulat si Jordana nang malaman na biglang yumaman na si Elisa.

Nakaisip ng paraan si Elisa para mapalago ang kanyang perang naipon.

Dahil sa pangungulila ni Angelica kina Maita at Elisa, maiinis si Jordana at iuutos na ikulong ang bata.

Mahigpit na inakap ni Angelica si Elisa matapos itong makita sa ospital.

Ano kaya ang gagawin ni Elisa matapos masaksihan ang kasalang Andrew at Celine?

Dahil sa matinding pambubugbog ni Celine, posible kayang napatay niya si Elisa?

Hindi nakuntento sina Jordana at Celine sa mga ginawa nila kay Elisa, at ngayon ay nagtangka pa itong saktan si Angelica.

Mailigtas kaya ni Andrew si Elisa mula sa masamang binabalak ni Celine?

Mahulog na kaya ang loob ni Elisa kay Mark dahil sa mga tulong na ibinibigay nito sa kanya?

Nailayo man ni Jordana si Angelica kina Elisa at Maita, hindi pa rin nito mapigilan ang paghahanap ng bata sa kanyang mga kapamilya.