Samahan sina Bea Binene at Jake Vargas sa 'Home Sweet Home' live chat ngayong July 17 | GMANetwork.com - Entertainment - Home of Kapuso shows and stars - Articles

Sa huling linggo ng Home Sweet Home, alamin mula kay Benjie at Lucy kung ano ang dapat abangan sa pagtatapos ng istorya ng Pamilya Caharian via GMANetwork.com's live chat. 

Samahan sina Bea Binene at Jake Vargas sa 'Home Sweet Home' live chat ngayong July 17


Ibang klaseng pagsubok ang pinagdadaanan nina Lucy (Bea Binene) at Benjie (Jake Vargas) ngayon sa 'Home Sweet Home'. Hindi pa rin nagbabalik si Lucy sa kanyang tunay na anyo, habang si Benjie naman ay unti-unti nang nagiging aso. Paano kaya sila magbabalik sa dati?

Noong napadpad sila sa ibang mundo sa loob ng lumang bahay, naging aso si Benjie, at nagbalik siya sa pagiging tao nang hinalikan siya ni Lucy. Ito na rin kaya ang solusyon ngayon? May paraan kaya upang mangyari ito? Hindi pa rin naniniwala si Benjie na si Lucy nga ang maitim at kubang babaeng sunod nang sunod sa kanya. Tuluyan na kaya siyang mapaikot ng pekeng Lucy?

Paano naman kaya makakabalik si Lucy sa kanyang pamilya kung hindi pa rin nila siya mamukhaan? Tanggapin din kaya ng kanyang pamilya si Benjie kapag tuluyan na siyang maging aso? Ano pa ang mga balak ni Pandora sa pamilya Caharian?

Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito mula mismo kina Bea Binene at Jake Vargas! Ito na rin ang pagkakataon upang mas kilalanin silang maigi! Samahan sila sa 'Home Sweet Home' live chat sa July 17, 4:00 pm to 6:00 pm (Philippine time). Mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com/livechat para maging bahagi ng nito.