Kapuso Shows
Now Airing
Bleach
 
Ikaw Lang Ang Mamahalin Episode Guides

Episode 75

Sasabihin ni Josie kay Clarissa na nasakanya si Lilian. Malalaman nya na nadinig sya ni Lilian nang sabihin nya na hindi sya si Mylene. Makakarating si Katherine sa Mansion at makikita nya si Lilian ngunit biglang darating ang isang van at agad syang dadakpin.

Episode 74

Sa tulong ni Charles ay makakatakas si Katherine sa kamay nila Badong. Pupunta sila Katherine sa mall upang makausap si Ferdinand ngunit darating si Clarissa at magpapanggap na hinimatay kaya’t malilipat ang atensyon ni Ferdinand kay Clarissa at maiiwan sila Katherine.

Episode 73

Maririnig ni Lilian na sasabihin ni Clarissa na hindi siya ang tunay na Mylene. Malalaman ni Trina na may gusto si Amara kay Ferdinand. Hindi na siya sasang-ayon kay Amara. Mapapatay ni Amara si Trina upang maitago ang sikreto niya at mawala ang sagabal sa mga plano niya. Mapapasakamay naman nila Badong si Katherine.

Episode 72

Pupunta si Katherine sa mansion upang sabihin kay Ferdinand na siya ang tunay na Mylene ngunit haharangin siya ni Clarissa at ipadadampot sa mga tanod. Gulat si Clarissa sa muling pagsulpot nila Loida at Badong.

Episode 71

Pipiliting makatakas ni Lilian sa hospital. Sasabihin ni Katherine kay Clarissa na naaalala nya na ang tunay nyang pagkatao. Makikita ni Trina na wala na si Lilian sa kwarto nito, nakatakas na ito.

Episode 70

Hinarap ni Katherine si Clarissa. Sinugod nya ito at nilabanan dahil ninakaw ni Clarissa ang pagkatao niya at ang sarili nyang pamilya.

Episode 69

Pinahuli ni Amara si Katherine at Charles dahil sila ang nagsimula ng kaguluhan na may sunog kunwari sa ospital.

Ipinagtapat naman ni Trina kay Ferdinand na mahal pa rin niya ito. Tapos sinabi ni Trina kay Ferdinand ang muntik nilang paghalikan sa harap mismo ni Lilian.

Episode 68

Determinadong ipagtatapat ni Katherine kay Ferdinand na sya ang totoong Mylene pero hindi pa rin nya ito naaabutan.

Tuturukan ni Trina si Lilian ng gamot. Lalaban si Lilian pero magagalit si Trina at hahampasin niya si Lilian. May makakita kaya sa kanila?

Episode 67

Nang makita ni Lilian ang kwintas na suot ni Clarissa maaalala nya ang nakaraaan ng anak nyang si Mylene.

Naalala na ni Katherine ang nakaraan niya at nalaman na niya na siya ang totoong anak ng Fuentebella at hindi ang impostor na si Clarissa.

Ipinagtapat ni Lilian kay Ferdinand sa pamamagitan ng pagsulat sa papel na mali ang gamot na ibinibigay ni Trina sa kanya.

Episode 66

Tutulungan ni Katherine makatakas si Lilian sa mental hospital pero hindi nila alam na may kuryente ang gate. Makukuryente si Lilian.         

Ibinalita ni Trina kay Ferdinand ang masamang nangyari kay Lilian. Pagbibintangan ni Katherine si Trina na ginagawa nilang baliw si Lilian.                                     

Galit na galit si Ferdinand kay Katherine dahil inamin ni Katherine na siya ang tumulong sa pagtakas ni Lilian. Dahil dito, aalis na si Katherine sa mansion. Patitirahin ni Charles si Katherine sa kanila na lingid sa kaalaman ni Helena.                                                

Dahil sa pagkabagok ng ulo ni Katherine unti-unti niyang maaalala ang kaniyang nakaraan at maaalala na niya na si Clarissa ang pinsan niya.                                    

Related Content
Feeds
facebook
 
twitter