Kapuso Shows
Now Airing
Eat Bulaga
Jean Garcia, naiyak sa mga inihayag ni Jennica
Jan 15, 2010
Sa pagpasok ng 2010, a new show will put Jean and Jennica Garcia in roles that are already familiar to them--bilang mag-ina sa bagong "Sine Novela" na papalit sa "Tinik sa Dibdib." Pero bago pa man magsimula ang soap, mukhang napaiyak na ni Jennica ang kanyang ina! Ano ang nangyari? Interviews courtesy of Chika Minute and Showbiz Central. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. starsSa pictorial ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, nahuli ng Chika Minute at Startalk sina Jean Garcia at ang kanyang anak na si Jennica Garcia na kinukunan ng sabay. Sa bagong Sine Novela kasi ng GMA-7, they will be portraying the roles of a mother and her daughter. Parang tunay na buhay lang. Pero unlike in Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, isang very loving relationship ang namamagitan sa mag-inang sina Jean at Jennica. In fact, during the interview, Jennica said some things na nagpatulo sa mga luha ng usually matapang na si Miss Jean Garcia. "Si Mama, kumbaga, may boyfriend man siya o wala, sigurado naman ako--napatunayan ko yun, tried and tested na--hindi niya kami pinapabayaang dalawa ng kapatid ko." Ito ang sinagot ni Jennica nang tanungin siya about sa kung anu-anong issues na umiikot sa love life ng kanyang nanay. "Promise talaga, wala sa akin kahit na anong tsismis 'yung marinig ko tungkol kay mama noon, o kung mayroon man ngayon na hindi ko nababalitaan." She continues, "Alam ko naman sa akin na hindi niya kami pinapabayaan. Lagi mong mararamdaman 'yung presence niya." This affirmation was enough to send Jean into tears. "Tears of joy naman," Jean jokes, wiping at her tears. "Napakasarap kasi sa isang magulang na nakakarinig ka ng mga ganoong salita sa anak mo." Dagdag pa niya, "ang sarap ng feeling. Thank you, honey. I love you." This comes after Jennica has staunchly defended her mother sa issue na may nangungulit ditong suitor. For Jennica kasi, wala naman sa kanya kung may manligaw sa mom niya: "Wala ako sa tamang posisyon para bawalan siya mag-boyfriend dahil ang aga-aga niya nagkaanak di ba?" Jennica explains, "Nineteen lang si Mama [nang mabuntis siya sa akin]. Kumbaga parang kinuha ko ‘yun sa kanya, yung chance niya na makapag-enjoy siya. So bakit ko siya babawalan?" starsDagdag pa ni Jennica, minsan daw si Jean pa ang nag-aalala sa kung ano ang magiging epekto ng write-ups about her sa kanyang mga anak. "Ang akin lang, hindi niya kailangan maging apektado kasi malaki ang tiwala namin sa kanya. Kaya ‘wag niyang pakikinggan yung ibang tao, basta kami ok lang kami, kaya dapat okay lang din siya." Ngayon, Jennica reveals that Jean has found a new love--cooking. "Kapag aalis ako ng bahay, pagbalik ko andun pa rin siya. Tapos lagi siyang nagluluto ng pagkain." Jennica continues, "Ang sarap nga, lagi akong busog. Lahat ng klase, nagluluto siya ng marami." Ina, Kasusuklaman Ba Kita? premieres this January 25 on GMA-7's Dramarama sa Hapon, replacing Tinik sa Dibdib. Pag-usapan ang relationship ng mag-inang Jean at Jennica sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! At laging maging updated sa ginagawa ng mag-ina by subscribing to their Fanatxt service! Just text JEAN(space)ON or JENNICA(space)ON and send to 4627 sa kahit anong telco, para lagi kang updated sa kanila. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter