Kapuso Shows
Now Airing
Eat Bulaga
Kabado si Jennica Garcia sa 'Ina, Kasusuklaman Ba Kita?'
Jan 25, 2010
For Jennica Garcia's more recent projects, medyo nalinya siya sa romantic comedies. Pero sa pagtatapos ng January, isang bagong Jennica ang masasaksihan ng mga manonood sa latest Sine Novela presentation ng GMA-7, ang 'Ina, Kasusuklaman Ba Kita?'. Text by Jason John S. Lim. Photos courtesy of GMA Network. starsKinakabahan si Jennica Garcia sa kanyang bagong role bilang Rizzie, sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. This is because ito ang kanyang first foray into the heavy drama genre after starring in romantic-comedies. "Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako. Kasi baka kapag umiyak ako, sa halip na umiyak 'yung mga tao ay matawa sila." Jennica says she will do what it takes, and what is needed para magampanan ang role ng tama—but she doesn't plan on promising that she will surpass what the original Rizze, Miss Lorna Tolentino, had done. That's because Jennica would rather make the role her own, instead of just copying kung ano ang ginawa ni Miss Lorna. That way rin daw, walang comparison na mangyayari. Strong words? Kailangan. And Jennica reveals na right now, "'yung lakas ng loob ko, kinukuha ko sa Diyos, sa Mama ko, sa Papa ko, sa Ninang ko—at saka, walang halong ka-plastikan 'to: sa mga tao na sumusuporta talaga sa akin." Jennica says kahit na 'friends' na ang tawag niya sa kanyang mga fans, mine-maintain pa rin ng mga ito na fans talaga sila. "Ako 'yung nagsasabing 'Hindi. Kaibigan ko na kayo." Jennica says na kung siya man daw ay nawawalan ng confidence, natutuwa siya na may mga taong hindi nawawalan ng tiwala sa kanya. "Doon ako nagiging confident." Inamin nga rin sa amin ni Jennica na during her crying scenes, ang nagpapaiyak raw talaga sa kanya ay pag inaalala niya ang support at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan, ng kanyang mga fans. "Talagang tagos sa puso 'yun." Kaya naman Jennica describes Rizzie, her character in GMA-7's latest Sine Novela as a gift sa kanyang mga supporters—at sa kanyang nanay na si Jean Garcia. stars"Gusto ko talagang maging proud si Mama sa akin," Jennica tells us. "Gusto ko, pag napanood niya ako, sasabihin niya, 'Anak, ganyang-ganyan ako nung bata ako.' Ganoon." The same thing with her dad, Jennica says tuwang-tuwa raw siya nung nagsisimula siya every time sasabihin sa kanya ng dad niyang si Jigo Garcia na parehong-pareho siya umarte sa mom niya. "Gusto ko marinig ‘yun ulit sa kanya, pagka napanood niya 'tong Ina, Kasusuklaman Ba Kita?." E ano naman ang gusto niyang marinig from her fans? Jennica says natutuwa na siya sa pag-support lang ng supporters niya sa kanyang mga show. At lalo siyang natutuwa tuwing nakikita niya 'yung mga fan arts na ginagawa nila for her online. Pero she would like to say, "wala kayong kailangan gawin kung 'di buksan lang 'yung TV at manood. Kasi, madalas nakikita ko sa iGMA [Forums], may mga fan art pa sila e. Effort’yun 'di ba? Naa-appreciate ko kayo." But, Jennica would prefer na mag-aral na lang ang kanyang supporters and friends instead of spending time making her fan arts. "Siyempre, time din yun sa computer. Unahin niyo muna 'yung mga pag-aaral niyo. Okay lang ako. Ramdam ko na 'yung suporta niyo basta manood lang kayo." Dagdag pa ni Jennica, mas matutuwa raw siya kung ang ipakita sa kanya ng kanyang mga fans ay magagandang grades sa school instead of magagandang fan arts. To end, Jennica invites everyone and her fans na manood ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita?: "Friends, Jennicans; Hello at saka sana hanggang sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ay suportahan niyo pa rin ako, ats saka 'yung Mama ko." Ina, Kasusuklaman Ba Kita? premieres this January 25 on GMA-7's Dramarama sa Hapon, replacing Tinik sa Dibdib. Pag-usapan at kausapin si Jennica sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! At alamin ang latest sa career ni Jennica—from Jennica herself! Just text JENNICA(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter