Sa “Sine Novela” na “Ina, Kasusuklaman ba Kita?”, LJ Reyes portrays the role of Katrina, ang best friend ng bida na magiging matinding kalaban nito sa huli. Text by Jason John S. Lim. Photos courtesy of GMA Network.

Hindi na bago kay LJ Reyes ang mga characters na magsisimulang mabuti, pero magiging masama sa huli. She already played a similar role in
Una Kang Naging Akin, kung saan inaagaw niya ang lalaking nagmamahal sa character ni Maxene Magalona.
"Nakakatawa," LJ tells iGMA.tv nang makausap namin siya tungkol sa role niya. "Good turned bad na naman ako ditto--lagi na lang!" Biro tuloy ng dalaga, "Siguro ganoon talaga itsura ko 'no?"
Pero, LJ says, excited pa rin daw siya sa role niya bilang Katrina. Kasi naman, hindi daw ito gaya ng role niya sa
Una Kang Naging Akin wherein ang pinaghuhugutan ng character niya ang inggit sa labis na pagmamahal na natatanggap ng kapatid. Sa
Ina, Kasusuklaman ba Kita?, she portrays the best friend na lagi na lang takbuhan pero lagi ring tinatakbuhan pagdating sa pag-ibig.
Dagdag pa ni LJ, "Kami ni Jennica [Garcia] dito, best friends--e di ba, your best friend is your worst enemy? So eventually, pag nagalit na ako sa kanya, ‘yun, magiging bad na ako sa kanya--
"Dahil sa isang lalaki!" Natatawa pa nga niyang comment, "Hay nako ha! ‘Yang mga lalaki talaga!"
Dalawang side ang panggagalingan ng galit ng character ni LJ kay Jennica. Ang una na nga dito ay dahil sa pag-ibig ng lalaki. In this case, it's the love for Paulo Avelino's character. Ang ikalawa naman ay ang pagiging malapit ng character ni Jennica sa nanay ni LJ sa series, which is played by Karla Delgado.
"Yes! Di ba ang ganda ng mommy ko?" comment ni LJ.

Sa kuwento, may gusto ang character ni Karla sa ama ni Jennica which prompts LJ to ask her co-star, "Paano kung magkapatid pala tayo dito 'no?"
Will that dynamic make their relationship all the more difficult? Tama ba ang theory ng dalawa? Malalaman natin yan sa lalong umiinit na mga eksena sa
Ina, Kasusuklaman ba Kita?, araw-araw sa GMA Dramarama sa Hapon, pagkatapos ng
Gumapang Ka sa Lusak.
Pag-usapan si LJ at ang kanyang current show sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
And be updated sa lahat ng ginagawa ni LJ through Fanatxt!
Just text LJ(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)