Ngayong Sabado, April 17, pakinggan sa STARTALK ang buong tapang nilang pagharap sa isyu. Sina Marian Rivera at Dindong Dantes, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, may aaminin din tungkol sa kani-kanilang pagsasama.
Makatapos mag-file si LJ Reyes ng indefinite leave sa Kapuso Network, umugong ang balitang buntis ang dalaga at ang kapwa Starstruck at Ina Kasusuklaman ba kita co-star na si Paulo Avelino ang itinuturong ama. Tunghayan ang kanilang matapang na pag-amin at pakinggan ang mga plano at saloobin nila tungkol sa isyu, live!
Susunod ang real-life partners na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na napapabalitang may tinakda ng petsa para sa kanilang kasal. Mawiwika na nga ba nila ng buong-buo ang “You To Me Are Everything” sa isa’t isa?
Judy Ann Santos, ibabahagi ang kanyang mga pinagdadaanan sa pagbubuntis habang ang asawa nitong si Ryan, bubukuhin ang di umanao’y “labis na pagkamalambing” ni Juday. Kiligin sa nakakatuwa nilang pagbibiruan sa isa’t isa.
At para sa pinakahuling sorpresa, handog ni Ricky Lo ang isang exclusive interview kay Jennifer Lopez na magbabalik sa big screen matapos itong manganak ng kambal.
Ito at marami pang sumasabog na intriga sa undisputed showbiz authority ng bansa, STARTALK ngayong Sabado, April 15, bago mag-Eat Bulaga. Oct 18, 2011
Nakalaya na si Celso pagkatapos ng dalawampu't limang taon sa loob ng bilibid. Sa ‘di inaasahang pagkakataon, sinundo siya ni Anton



