Kapuso Shows
Now Airing
Eat Bulaga
Kung Aagawin Mo Ang Langit Episode Guides

Episode 99

Hinahanap pa rin ni Jonas ang mag-ina niya. Hanggang sa tawagan niya ang celphone ni Ellery at si Bridget ang sumagot. Desidido itong idamay si Ellery sa kamalasan ng buhay niya. Agad naman tatawagan ni Jonas sina Marissa at Delfin para mag-isip ng paraan para mahanap sina Ellery at Sam. Samantala, binibilog ni Bridget ang ulo ni Sam. Walang kamalay-malay ang bata na ililibing ng buhay sa semento si Ellery. Mabuti na lang at nagising na si Ellery pero wala siyang magawa sa lakas ng mga tauhan ni Mando.

Episode 98

Galit si Marissa sa ginawa ni Ellery pero maiintidihan niya rin ang anak. Lalambot siya dahil aalalahanin niya ang dinadalang baby ni Ellery. Sa bahay naman nina Ellery magpapababa si Bridget. Nung una ay haharangin pa siya ng guard pero makikita niya rin si Delfin at mag-uusap ang mag-ama. Kunyari pang hihingi ng tawad si Bridget at makiki-usap kay Delfin na mag-ayos ng oras kung saan sila puwedeng mag-usap ni Ellery. Nang pumayag si Delfin ay alam na ni Bridget na tuloy ang plano niya. Papatayin niya si Ellery sa oras na magkita sila.

Episode 97

Nang makita nina Leila at Aloha ang test results ni Bridget ay doon lang sila talaga maniniwala na may sakit ito. Maiiyak si Leila at maaawa sa pamangkin. Kahit ayaw ni Bridget ay pupunta si Leila kay Delfin upang humingi ng tulong para kay Bridget. Maririnig ni Ellery ang usapan at magmamatigas itong iurong ang demanda. Kahit na sabihin din ni Leila ang lagay ni Bridget na may sakit ito ay ayaw ng maniwala ng mag-amang Delfin at Ellery. Paaalisin agad ni Delfin sina Leila at magtatawag pa ng mga guwardiya.

Episode 96

Hindi makapaniwala si Bridget sa resulta ng tests niya. Ayaw niyang tanggapin sa sarili na may cancer siya. Habang si Ellery at Jonas naman ay nagmamadaling nag-eempake para makauwi kay Marissa. Si Marissa na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hindi naman titigil si Delfin sa pagpapaimbestiga. Ngayon pa na malinaw na ang anggulong may gustong pumatay sa asawa niya. Samantala, pupuntahan ni Mando si Bridget para singilin. Nang magmatigas itong magbayad ay tututukan niya si Bridget ng balisong sa leeg.

Episode 93

Hinarang ng guard ang pagtuloy nina Ellery sa loob ng airport, tinanong si Sam kung sino ba talaga ang Mommy nito. Itinuro ni Sam si Ellery, windang si Bridget. Sampalan. Tuluy-tuloy na sa loob ng airport sina Ellery, Jonas and Sam.
 
Naglasing si Bridget, sinugod sina Marissa at Delfin. Binuhusan ni Marissa ng kaning-baboy ang ulo ni Bridget.

Episode 92

Nakabitin na si Ellery, sinisikap pa rin niyang huwag mahulog, kumakapit. Pinukpok ni Bridget ng kamay ang mga daliri ni Ellery pero tuloy pa rin sa pagkapit si Ellery. Dumating si Jonas, ililigtas si Ellery pero nasa likod niya si Bridget, pinukpok siya ng kahoy ni Bridget sa ulo, nahilo si Jonas, nabitiwan ang isang kamay ni Ellery. Ellery now is holding on to the edge with just one hand.

Episode 91

Daplis lang ang tama ni Bridget sa pagbaril ni Jonas pero sabi ni Leila, magdedemanda sila.
 
Shocked and worried si Ellery nang nalamang binaril ni Jonas si Bridget. Para kay Marissa, hindi dapat sisihin si Jonas sa pagbaril kay Bridget dahil nang tinakot ni Bridget si Ellery ng dead fetus, ibig sabihin nito ay gusto ni Bridget na makunan si Ellery.
 
Dinampot ng mga pulis si Jonas.
 
Hindi makapag-withdraw si Bridget ng pera sa bangko, nangutang siya kung saan-saan para makapabayad kay Mando.

Episode 87

Nakita pala ni Aloha sina Ellery ng dalhin ito sa ospital kaya nalaman nitong buntis ito. Agad maiisip ni Bridget na muling agawin si Sam. Magagalit na naman si Aloha. Hindi niya raw sinabi ang balita para gumawa ng masama si Bridget. Sinabi niya ito para marealize nitong dapat na itong tumigil. Magkakainitan na naman ang dalawa at tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan nina Bridget at Aloha. Magkasama naman sina Jonas at Ellery. Pupunta silang check-up. Hindi nila namalayan na sinusundan sila ni Bridget mula sa isang taxi.

Episode 86

Kahit anong pagmamakaawa ni Ellery ay hindi natitinag si Jonas. Aamin itong mahal na mahal pa rin niya si Ellery at babawi siyang muli at pananagutan ang dinadala nitong bata. Pag-uwi ay kakausapin ni Marissa si Ellery na bakit hindi nito bigyan ng pagkakataon si Jonas. Hindi makasagot si Ellery at hati pa ang puso sa desisyon. Palabas na si Jonas ng bahay ng maabutan si Enrico. Magkakainitan ang dalawa. Magsusuntukan.

Episode 85

Magpipilit si Bridget na maisama si Samantha kahit na nasasaktan na ang bata. Gulat si Aloha ng makitang bitbit ni Bridget ang bata. Wala na siyang nagawa kung hindi patakbuhin ang kotse. Pagdating sa bahay ay hindi na napigil ni Aloha na sabihin ang saloobin niya. Wala namang pakialam si Bridget at paalisin si Aloha. Maiiwang nagmamakaawa ng umuwi si Sam. Pagdating ni Ellery sa bahay dala ang magandang balita ng doktor ay ang pagkawala ni Sam ang bubungad sa kanya.

Related Content
Feeds
facebook
 
twitter