Kapuso Shows
Now Airing
Chuno
Bong Revilla, Jr.: "Naglalaro lang ako."
Jul 16, 2009
Sa isang recent interview with Senator Bong Revilla, may inamin ang batang senador sa iGMA. Kung ano at bakit, alamin niyo sa article na ito. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of Mitch S. Mauricio starsMarami ang natutuwa sa Kap's Amazing Stories. In fact, consistent ang ratings na nakukuha nito every Sunday. This maybe attributed to the amazing stories captured on video na marami ay nanggaling pa sa National Geographic's Most Amazing Moments. Or puwede ding marami ang nanonood nito nang dahil sa nakakatuwang host na si Sen. Bong Revilla, Jr. "Ang kagandahan kasi dun sa show is informative siya eh," ang paliwanag si Sen. Bong sa iGMA. "Talagang marami kang matutunan, hindi lang bata ang may matutunan; maski matanda." Inamin niya na sa simula, hindi niya inisip na babagay sa kanya ang show: "Natutuwa ko. Actually, hindi ko ini-expect na babagay sa akin 'yun eh. At first, sinabi ko, 'Sigurado ba kayo na babagay sa akin 'yan? Parang hindi ito si Kap, eh'. Pero nung nagawa ko na, tapos ang taas ng ratings niya, sabi ko, 'Wow! Nakakatuwa! In-accept tayo ng tao!' So another Bong Revilla side revealed. Nakakatuwa naman." Idinagdag pa niya hindi naging madali ang transition from acting in a sitcom as Kap to hosting an infotainment show. "At first, yes [nahirapan ako] pero ngayon, [parang] naglalaro lang ako," ang pag-amin ni Kap. Sinabi din niya na tinulungan siya ng malaki ng kaniyang director dahil he has to imagine the videos while doing his spiels in front of the camera. "Binibigyan na ako ng idea. Eto, ganito ang mangyayari dyan, ganito ang itsura, and then I dub it. 'Yung mga actions, sasabihin sa akin ni Direk, 'Ilag ka dito' or 'Dito, may hawak kang hayop.' May bear dyan or meron shark na kakagatin ka so kailangan iilag ka, 'yung ganun. So ang ano mo dun, kung baga nasa chroma ka, eh. It is all imagination. Kailangan nai-imagine mo kung ano ang mangyayari. So ganun, tapos papatungan na lang nila. So ganun 'yung technology natin ngayon eh, kailangan high-tech na." Sa pagtatapos ng interview, ipinangako niya na magtatagal pa ang show as long as may mga sumusuporta pa dito. "Sa tingin ko marami pang hindi tayo nare-reveal, hindi pa alam ng tao, so marami pa silang aabangan." Pag-usapan si Kap at ang kanyang amazing stories sa iGMA Forum.
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter