Kap's Amazing Stories Episode Guides
Episode 237 Human Planet (Jungles) ep. 4 part 2
Kukunin mo ba ang honey ng walang kaabog-abog…kahit makuyog ka ng bubuyog?
Kaya mo bang maging katuwang ang elepanteng matapang?
Alam nyo ba na hanggang ngayon, may mga katutubo pang hindi natutuklasan?
Magpapatayo ka ba ng bahay sa isang puno na may taas na 35 meters?
Kapag isinama ang buong angkan mo, di kaya mapuno ang bahay sa ibabaw ng puno?
Episode 236
Magagawa mo bang sa unggoy maging malupit at gamitan ito ng sumpit?
Para di kumalam ang sikmura, kakain ka ba ng tarantula?
Aalagaan mo ba ang mga naulila, na ikaw rin ang dahilan kung bakit mga magulang nila nawala?
Mag-uubos ka ba ng panahon… para lang makakuha ng balahibo ng ibon?
Mabibighani ka ba ng isang lalaki, kung magandang buntot at balahibo ang ipinagmamalaki?
Episode 233
Alam mo bang may tubig na inumin, na hindi galing sa lupang malalim kundi sa hangin?
Balon na ubod ng lalim, kaya mo bang sisirin?
Nakakita ka na ba ng mga taong nagsasaya kapag bagyo ay dumating sa kanila?
Sasali ka ba sa isang paligsahan, para makakuha ng bagong kasintahan?
MALULUNGKOT KA BA KUNG HINDI KA NAPILI GAYUNG KASAMA MO ANG DATING HONEY SA PAG-UWI?
Episode 232 featuring Human Planet Ep 2 – Deserts Part 1
Barikada ng mga dambuhalang elepante, kaya mo bang buwagin, para mga alaga mo, merong inumin?
Nakakita ka na ba ng ilog na puno ng isda, pero napuno ng mas maraming mangingisda?
Kaya mo bang basahin ang langit at buhangin para matagpuan ang balong malalim?
Maniniwala ka ba na may disyertong ubod ng lamig?
Handa ka bang magronda buong umaga, para mahanap ang nawawalang alaga?
Episode 230 featuring Human Planet Ep 1 – Oceans into the Blue Part 1
Lalapit ka ba sa taong lapitin ng pating?
Lulusong ka ba sa ilalim na armado ng kalawanging gamit?
Itataya mo ba ang buhay sa trabahong maaring ikamatay?
Alam mo bang may mga taong nahihilo sa lupa at hindi sa dagat?
Kaya mo bang sumisid sa kailaliman ng dagat at maglakad pa rito?
Kap’s Amazing Stories features another amazing and inspiring documentary from the BBC. Human Planet is an award-winning series shot in the span of three years and in around 80 different locations featuring the different environs of the planet - oceans, deserts, mountains, jungles, grassland, rivers and even the urban jungle.
Host Sen. Bong Revilla ushers in the series with the complex relationship of humans and the ocean. From man’s often hostile and sometimes friendly encounter with the animals of the ocean to the dangerous encounter with the tides and waves, Human Planet’s Oceans – Into the Blue leaves nothing untouched and definitely no stones unturned.
Be amazed with the line up of stories in Kap’s Amazing Stories this second quarter of 2012 and be inspired with how humans have thrived in this world to claim it the Human Planet. The program airs every Sunday night before iBilib on GMA.
Frozen Planet (The Making) ep. 8 part 2
Alam mo ba na ang ilog na nagyelo, kapag nalusaw delikado?
Kaya mo bang hulaan kung kailan malulusaw ang ilog na ubod ng tigas?
Para sa sustansya, kakain ka ba ng karne ng maamong hayop?
Tatagal ka ba sa bagyo na may lakas na 130 miles per hour?
Papayag ka bang manatili sa isang lugar ng 3 buwan, na walang ibang kasama kundi mga penguin?
Frozen Planet (The Making) ep. 8 part 2
Alam mo ba na ang ilog na nagyelo, kapag nalusaw delikado?
Kaya mo bang hulaan kung kailan malulusaw ang ilog na ubod ng tigas?
Para sa sustansya, kakain ka ba ng karne ng maamong hayop?
Tatagal ka ba sa bagyo na may lakas na 130 miles per hour?
Papayag ka bang manatili sa isang lugar ng 3 buwan, na walang ibang kasama kundi mga penguin?
Sa lugar na sa lamig namimilipit, hindi kaya camera mo, magshort circuit?
Magagawa mo bang kunan ang isang eksena, pero hayop ang mga artista?
Maniniwala ka ba na kapag may kontrabida, hindi mo makukunan ang bida?
Para ikober ang mga eksena sa antartika, alam mo bang iba’t-ibang team ang kumukuha at may kanya-kanyang toka?
Nakakita ka na ba ng mga balyena na umaarte sa harap ng camera?
Itong lahat ngayong gabi sa Kap's Amazing Stories: Frozen Planet (The Making)
Episode 226
Featuring Frozen Planet Ep 7 – On Thin Ice Part 1
Mangangahas ka bang timbangin at suriin ang hayop na magagalitin?
Magagawa mo bang magp’yesta, sa pagkaing itinabi ng iba dahil kumakalab ang sikmura?
Ipagkakatiwala mo ba ang paglalakabay mo sa isang grupo ng aso?
Sa lugar mo, marami kayang nilalang ang lumutang kapag nawala ang humaharang?
Hindi ka kaya manginig, kapag nalaman mo kung saan nagpupunta ang tubig?