About
Sina Rigo at Marj ay dalawang magkakabatang pareho ang pangarap, ang makalipad. Ngunit magkakahiwalay sila dahil sa isang kalunos-lunos na pangyayari: ang hindi maipaliwanag na pagpaslang sa ama ni Rigo.
Matapos ang labinlimang taon, muli silang magkikita. Si Rigo ay top executive na sa isa sa pinakamalaking airline companies sa bansa: Ang Eagle Airways. Itinuloy naman ni Marj ang kanyang pangarap na maging isang flight attendant sa paniwalang ito ang paraan para mahanap ang dalawa niyang kapatid na nawalay sa kanya noong sila ay bata pa.
Sa kanilang paglalakbay sa kani-kanilang buhay, matagpuan kaya nila ang matagal na nilang hinahanap? Anong mga lihim ng kahapon ang mabubunyag? Maunawaan pa kaya ng dalawang pusong sugatan ng nakaraan na ang kanilang langit pala ay isa't-isa?
Sundan ang paglalakbay nina Rigo at Marj sa Langit sa Piling Mo.
Next on Langit Sa Piling Mo



