Ang nawalay na anak ni Cesar Alcantara. Lumaki man sa hirap, siya’y nagpursigi. Iibig kay Josh na nakatakdang ipakasal sa kanyang half-sister na si Natasha. Magpaparaya alang-alang sa kapatid.
Anak ni Cesar Alcantara sa nakalaguyong bold star noong araw. Mataray, matalino at ambisyosa. Sa pagkamatay ni Cesar, lalantad at ipaglalaban ang karapatan niya sa kayamanan ng pamilya Alcantara.
Ang kinikilalang anak ni Cesar Alcantara. Laki sa yaman at luho. Napipintong magmamana ng kumpanya ni Don Romualdo. Subalit may itinatagong lihim na maaaring humadlang dito.
Isang mayamng resort owner na magkakagusto kay Natasha ngunit mababaling ang atensyon sa pagdating ni Diana. Magiging dahilan ng alitan sa pagitan ng magkapatid.
Ang head ng Sales Department ng Legacy Corporation. Guwapo at tuso. Gagamitin si Natasha upang makaangat sa kumpanya.
Ang lalaking nagtatag ng hindi mabuwag-buwag na beauty company sa bansa, ang Legacy Corporation.
Ina ni Eva na magiging kakuntsaba nito sa pagtatago ng lihim tungkol sa anak nitong si Natasha.
Ang babaeng ipinagkasundong ikasal kay Cesar, ang nag-iisang tagapagmana ng Legacy Corporation. May lihim tungkol sa anak nilang si Natasha.
Isang factory worker sa Legacy Corporation: ang nag-iisang babaeng minahal ni Cesar. Magbubunga ang kanilang pagmamahalan sa katauhan ni Diana.
Isang dating bold star na ‘di sinasadyang mabuntis ni Cesar. Ang magluluwal sa bastardang si Bernadette.
Ang kababata ni Diana na may lihim na pagtingin sa kanya. Hindi makapagtapat ng tunay niyang nararamdaman dahil alam nitong pamilya ang unang prayoridad ng dalaga. Pipiliin na lamang na umibig na parang martir kay Diana.
Ang may-ari ng kalabang kumpanya ng Tala Corporation . Nais ipaghiganti ang ama sa ginawa sa kanila ng pamilya Alcantara. Ngunit paano niya magagawa ito kung umiibig siya kay Diana?
Ang mananalo bilang “The New Face of Tala Soap.” Ang tunay na ehemplo ng isang “Tala Beauty.” Malalagay sa mga eskandalong pakana lamang ng kalaban upang siraan ang image ng Tala Soap.
Ang maganda at matalinong model na nag-aral sa Paris. Ex-girlfriend ni Iñigo na gusting makipagbalikan. Magiging karibal ni Diana sa pag-ibig ng binata.
Ang mahal na kaibigan ni Diana. Ngunit ang pagiging ambisyosa niya ang susubok sa kanyang katapatan bilang kaibigan.
Ang secretary ni Natasha. Masalas pagdiskitahan ni Natasha kapag mainit ang ulo nito. Makakaalam ng mga pinakatatagong sikreto ng boss.



