Legacy Episode Guides
Episode 68
Hindi kakayanin ni Inigo ang nakikita. Agad nitong papaandarin ang kotse at lalayo. Masaya naman si Josh dahil napatawad na siya ni Diana. Kahit si Diana ay masaya rin. Meron nga lang siyang pangamba na hindi maalis sa loob niya. Matapos namang magulat ni Third ay agad itong matatawa sa sinabi ni Natasha na pakikipaghiwalay. Alam niya at alam ni Natasha kung sino ang may kontrol sa sitwasyon.
Episode 67
Magugulat si Inigo pagkakita kay Diana. Hindi niya alam ang rason ng dalaga sa pagpunta sa kanya. Pero kahit naman si Diana ay hindi rin sigurado sa rason niya. Gusto niyang humingi ng paumanhin dahil hindi siya nakinig kay Inigo tungkol kay Josh. Pangalawa ay kailangan niya lang talaga siguro ng karamay. Hindi naman siya bibiguin ni Inigo at dadamayan siya nito.
Episode 66
Galit na galit si Diana. Sasabihan ng manloloko ang nobyo. Wala namang magawa si Natasha ng si Diana ang piliin ni Josh para habulin at paliwanagan. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mansyon ay tinitira na siyang patalikod ni Bernadette. Aaminin nito kina Eva, Romualdo at Sophia na nakikipagkita pa rin siya kay Josh. Samantala, hindi makikinig si Diana sa paliwanag ni Josh. Tuluyan itong makikipaghiwalay sa binata.
Episode 65
Maghihiwalay sina Natasha at Josh ng walang kaalam-alam na nakita sila ni Inigo. Habang nagsisimula namang kabahan si Eva at Sophia sa pagiging malapit ni Romualdo kay Anna marie. Ito ay dahil na rin sa pagbibigay ng boldstar sa don ng mga babae. SI Inigo naman ay walang sasayanging pagkakataon. Sasabihin nito kay Diana na baka niloloko siya ni Josh.
Episode 64
Ihahatid ni Inigo si Diana hanggang bahay nito. Iimbitahin pa siya ni Isabel at Lucio para pumasok at mas magkakilanlan. Pagdating naman ni Josh ay hindi naman aamin si Natasha sa tunay na nangyari sa kanila ni Third. Maayos na lahat para sa kanya dahil nasa tabi na niya ang lalakeng laman ng puso niya. Samantala, ipapaalala ni Franco kay Inigo na kahit anong mangyari ay hindi dapat mahulog ang loob niya kay Diana. Apo pa rin ito ng pinakamalaki niyang kaaway.
Episode 63
Ihahatid ni Inigo si Diana hanggang bahay nito. Iimbitahin pa siya ni Isabel at Lucio para pumasok at mas magkakilanlan. Pagdating naman ni Josh ay hindi naman aamin si Natasha sa tunay na nangyari sa kanila ni Third. Maayos na lahat para sa kanya dahil nasa tabi na niya ang lalakeng laman ng puso niya. Samantala, ipapaalala ni Franco kay Inigo na kahit anong mangyari ay hindi dapat mahulog ang loob niya kay Diana. Apo pa rin ito ng pinakamalaki niyang kaaway.
Episode 62
Ikukuwento ni Diana ang pagbabago ni Inigo kay Josh. Babalaan nito ang nobya na mag-ingat dahil baka may ibang plano si Inigo. Habang nagtatrabaho naman si Diana ay kinasela niya ang dapat nilang date ni Josh. Gulat na lang si Josh ng bisitahin siya bigla ni Natasha.
Gusto raw magpasalamat ni Natasha sa pagligtas sa kanya ni Josh. Pumunta siya sa condo ng binata para ipagluto ito. Maaga namang papauwiin ni Inigo si Diana at inusog ang deadline ng presentation kung kaya naisip ni Diana na dalawin ang nobyo. Nadahilan kasi ito na may sakit.
Episode 61
Pipigil nga si Josh pero walang pakialam si Third. Ganun din si Diana pero mamasamain pa ni Natasha. Sa huli ay aalis na lang sina Diana at Josh. Wala namang choice si Bernadette kung hindi umalis na lang. Wala siyang pakialam kung maraming taong nakakakita sa kanya. Kinaya niyang sumakay ng elevator at pumara ng taxi ng naka-swimsuit lang. Samantala, patuloy na nag-aaway sina Natasha at Third. Sa sobrang pagpapamukha ni Natasha kay Third na hindi niya ito mahal ay aalis na ang binata. Maiiwan si Natasha na mag-isa. Ilalabas ang lahat ng sakit na nasa puso niya.
Episode 58
Kabadong-kabado sina Eva, Natasha at Third. Mabuti na lang at makaka-isip ng palusot si Eva. Maniniwala naman si Romualdo. Makakahinga ng maluwag ang tatlo. Si Diana naman ay nagsisipag para tapusin ang mga pinapagawang presentation ni Inigo. Wala siyang kaalam-alam na ng makatulog siya ay pinapanuod siya ni Inigo na natutulog.
Ipapahiram pa ni Inigo ang coat niya kay Diana dahil nilalamig ito. Nang magising si Diana ay wala na si Inigo at pinapauwi na rin siya nito. Kinabukasan balik sa normal si Inigo kay Diana. Samantala, badtrip si Bernadette dahil matapos siyang mamili papuntang beach ay hindi pala siya makakasama.
Ipapahiram pa ni Inigo ang coat niya kay Diana dahil nilalamig ito. Nang magising si Diana ay wala na si Inigo at pinapauwi na rin siya nito. Kinabukasan balik sa normal si Inigo kay Diana. Samantala, badtrip si Bernadette dahil matapos siyang mamili papuntang beach ay hindi pala siya makakasama.
Episode 57
Maabutan pa ni Third si Natasha. Tuluyan itong natigilan at umiiyak. Magtatanong pa ito kung bakit pero ng makita sina Diana at Josh ay maiintindihan na niya lahat. Mag-aaway na naman sila ni Natasha. Si Inigo naman ay magpapalusot kay Chloe. Naiinis lang daw talaga siya sa katangahan ni Diana. Maniniwala naman si Chloe. Kinabukasan ay ihahatid ni Josh si Diana sa SGC. Muling magku-krus ang landas ng dalawa at ni Inigo.
Magkakainitan na naman sina Inigo at Josh. Aamin pa si Inigo na gusto talaga niyang magkahiwalay ang dalawa para matauhan si Diana na ginagamit lang siya ni Josh.



