Kapuso Shows
Now Airing
Eat Bulaga
 
About
 
Ang LEGACY ay ituturing na isang “glossy drama masterpiece” sa kasaysayan ng Philippine Primetime Television. Ito ay pagbibidahan ng dalawa sa pinakahinahangaan at award winning actresses ng makabagong henerasyon --- 2009’s MMFF Best Supporting Actress Heart Evangelista bilang Diana Calcetas at 2010’s FAMAS Best Actress Lovi Poe bilang Natasha Alcantara.

Magbibigay ng kulay at panibagong timpla sa serye ang mga mahuhusay na leading men sa industriya ngayon --- Geoff Eigenmann bilang Josh Ledesma at Sid Lucero bilang Iñigo Salcedo.

At si Alessandra de Rossi ay gaganampanan ang karakter na si Bernadette Alcantara, samantalang si Mike Tan ay si Third San Jose. Sila ang dalawa sa mahahalagang karakter na magbibigay ng mga kapana-panabik na tagpo sa LEGACY.

Magsisimula ang kwento kay Cesar, anak ni Don Romualdo, na mahuhulog ang loob sa isang factory worker na nagngangalang Isabel. Sa lahat ng babaeng kanyang nakilala, kay Isabel lang siya naging seryoso. Ngunit, ang kanyang ama ay pinipilit siyang magpakasal kay Eva, ang tagapagmana ng bangko na nagpahiram sa kanila ng pera para maipagpatuloy ang kanilang negosyo. Magdedesisyon si Cesar na ipaglaban ang kanyang pag-ibig para kay Isabel subalit mababago ang sitwasyon ng sabihin ni Eva na buntis siya.

Nagkaroon na noon ng anak si Cesar, si Bernadette, sa isang bold star na si Anna Marie subalit hindi ito kinikilala ni Don Romualdo.

Isang araw, nang subukan ni Eva na kumprontahin si Isabel, magkakaroon ng gulo na magdudulot sa mga rallyistang trabahador na makulong, kasama dito sina Isabel at Lucio, ang kanyang masugid na manliligaw. Umaasa si Isabel na gagawa ng paraan si Cesar para makalabas sila ng kulungan. Natupad ang kanyang inaasahan, naiurong ang kaso laban sa kanila at sila ay nakalaya.

Sa sobrang kagalakan ni Isabel, nagmamadali siya patungo sa opisina ni Cesar para magpasalamat sa naitulong nito. Ngunit ikagugulat nito ang pagpapaalis sa kanya ni Cesar sa kumpanya at pagpuputol sa kanilang magandang relasyon. Hindi kinaya ni Isabel ang kanyang mga narinig, gumuho ang kanyang mundo. Sa sobrang lungkot at depression, mahihimatay siya. Dadalhin siya ni Lucio sa ospital. Ikagugulat nila ang balita na siya ay nagdadalantao. Mangangahas siyang sabihin ito kay Cesar ngunit palalayasin siya ni Eva.

Haharapin ni Eva ang kanyang kinatatakutan na baka iwanan siya ni Cesar kapag malaman nitong nagdadalantao si Isabel. Kukumbinsihin si Eva ng kanyang ina na paninidigan na lamang ang pagpapanggap na siya ay buntis. Hahanap sila ng batang maampon para maging matagumpay ang kanilang mga plano. Papangalanan nila ang bata na Natasha.

Sa paglipas ng panahon at sa di inaasahang pagkakataon, ang pinaka-bagong Marketing Officer ng Legacy Corporation na si Natasha at ang kanyang kapatid sa ama na si Diana ay magku-krus ang landas sa isang kompetisyon na “Search for True Tala Beauty” --- mag-uumpisa ang rivalry sa pagitan nila.
 
Bubuhos ang emosyon sa hindi inaasahang pagpanaw ng pinakamamahal na CEO ng Legacy Corporation na si Cesar Alcantar. At sa kanyang biglaang pagpanaw, mag-aalab ang kagustuhan nina Diana at Bernadette na makuha ang kanilang karapatan bilang mga anak din ni Cesar.

Sa kanilang laban sa pagmamamana ng LEGACY ng kanilang pumanaw na ama, hanggang saan ang kaya nilang gawin at ipaglaban? Sino ang mananatiling matibay? At sino ang magiging tagapag-mana ng LEGACY Corporation?


Sa ilalim ng direksyon ni Jay Altajeros, saksihan ang pag-apaw ng ganda, pag-ibig at drama sa inaabangang primetime series na babago sa kasaysayan ng entertainment television, ang LEGACY, Lunes hanggang Biyernes, simula January 16, 2012 sa GMA 7.
Next on Legacy
Cast Info
Heart Evangelista as Diana

Ang nawalay  na anak ni Cesar Alcantara. Lumaki man sa hirap, siya’y nagpursigi. Iibig kay Josh na nakatakdang ipakasal sa kanyang half-sister na si Natasha. Magpaparaya alang-alang sa kapatid.

Alessandra de Rossi as Bernadette

Anak ni Cesar Alcantara sa nakalaguyong bold star noong araw. Mataray, matalino at ambisyosa. Sa pagkamatay ni Cesar, lalantad at ipaglalaban ang karapatan niya sa kayamanan ng pamilya Alcantara.

view casts
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter