May 23, 2012
Sa back to back live chat ng gmanetwork.com, bumisita ang Legacy stars na sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Alessandra de Rossi, Geoff Eigenmann at Sid Lucero. Umpisa pa lang ng chat, pinangunahan na ni Bernadette (Alessandra) ang pagsagot ng mga katanungan at syempre pa, ang pangungulit sa kanyang co-stars. Hindi naman nagpahuli si Natasha (Lovi) at nagpakitang gilas pa ito sa mga cameras while rapping. Si Diana (Heart) naman, mukhang nakapili na kina Iñigo (Sid) at Josh (Geoff).




