Richard Gutierrez stars in Philippine TV's first Suspenserye | GMANetwork.com - Entertainment - Home of Kapuso shows and stars - Articles

Sa pagbabalik ni Richard Gutierrez sa GMA Telebabad, pagbibidahan niya ang Love and Lies, ang kauna-unahang Suspenserye sa telebisyon. Tiyak na kakaibang Richard ang ating mapapanood sa pinakaaabangang drama series. 

Richard Gutierrez stars in Philippine TV's first Suspenserye

Sa pagbabalik ni Richard Gutierrez sa GMA Telebabad, pagbibidahan niya ang Love and Lies, ang kauna-unahang Suspenserye sa telebisyon. Tiyak na kakaibang Richard ang ating mapapanood sa pinakaaabangang drama series. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Esperanza Estrada.
 
Bagong gupit at tila ready for action si Richard Gutierrez when he attended the story conference of Love and Lies last March 18, 2013.

"It is the first time na magkakaroon ang GMA primetime ng Suspenserye. Gagawin nilang fast-paced ang mga eksena. Gagawin nila na every week, may aabangan ang mga tao kung ano ang mga magaganap sa susunod na linggo," ang pagmamalaking kuwento ni Richard sa press interview.

Bukod sa kakaibang pace ng story, nakadagdag din sa excitement ni Richard ang gagampanan niyang role sa newest prime time offering ng Kapuso Network. "First time kong gaganap bilang sundalo at matagal ko nang dream ang mag-portray ng isang sundalo kaya I'm very excited to do this. Childhood dream ko talaga ito," Richard confesses.

"Pagkatapos ng high school graduation pinag-isipan ko talaga na pumasok [sa army at] maging sundalo. Syempre ang mga magulang ko hindi sang-ayon. Kaya mabuti rin, na I'm working now as an actor. I can portray being in the military or navy na matagal ko na ring pinangarap," dagdag pa niya.

Ano ang story ng  Love and Lies?

"It revolves around a character who is part of the Navy Seals…He also loves his family, but of course he can’t let go of his dedication to the Navy," ang kuwento niya sa amin.

"Exciting talaga ‘yung project, full support talaga ang Navy sa amin. First time nilang makipag-cooperate sa isang production. ‘Yung mga equipment at vehicles nila, ipapahiram nila sa amin. Malaking karangalan ito sa amin at para sa Network. Wish namin na sana mapaganda ‘yung project at mabigayan ng hustisya ‘yung tamang portrayal."

Bukod dito napag-alaman namin na kukunan ang mga scenes ng Love and Lies sa iba't ibang parte ng Pilipinas. "Mag-shoot kami all over the Philippines. It is going to be very exciting. We are going to do be doing a lot of action scenes, so excited na ako and I’ve been waiting for a project like this for a very long time."

Abangan ang Love and Lies sa GMA Telebabad simula April 8.