Kapuso Shows
Now Airing
I Do, I Do
 
Manny Many Prizes Episode Guides

Sabay-sabay nating parangalan ang mga magigiting at mahal nating mga kasambahay. Saksihan kung paano sila magpapasikat ng kanilang talento at sasagot sa mga makukulit na tanong ng ating mga ka-tropa. Sino kay sa kanila ang kikilalaning My Modelong Pambahay 2012?

Up to 1 Million pesos pa rin ang handang ipamigay ni Ninong sa kung sinumang mananalo sa Easy Manny at maglalaro sa Jackpot round!
 
Luha, tawa, pera at saya… Ngayong Linggo ng hapon sa Manny Many Prizes 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas! 

Mula sa libu-libong nagpadala ng kanilang entries, makikilala na natin ang maswerteng mga Kapuso na mananalo at magbabago ang buhay sa Kapuso Milyonaryo Grand Draw!

Kilalanin ang babaeng sumikat sa isang viral video sa YouTube! Ang babaeng ito, may konek pala kay Ninong Manny! Siya si Zendee Rose, ang kanyang talento at kung ano ang kinalaman sa kanya ni Ninong Manny, masasaksihan natin nang harapan ngayong linggo!

Espesyal ang pagdiriwang ito kaya espesyal rin ang bisita natin! Makikihataw ang Diamond Star Maricel Soriano sa launch ng Tsumayaw, Tsumunod! ang dance showdown ng mga magkaka-barangay.
 
Isang taon na tayo! Kaya isang kakaiba at mas pinalakas na Manny Many Prizes ang inyong dapat tutukan! Ngayong Linggo, 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas.
 

Ngayong Linggo, saksihan natin ang bayanihan ng mga Pilipino kasama ang buong barkada ng MMP!
 
Ang MMP co-hosts, dadayo mismo sa San Mateo, Rizal para magbigay ng kaunting saya sa ating mga kapusong naapektuhan ng habagat.

Ka-pacman! Lilipat na tayo! Lilipat na tayo ng oras at araw!
 
At dahil anniversary na natin, sisimulan natin ang unang Linggo ng Agosto nang may bonggang pasabog!

Ngayong Sabado, papakiligin tayo ng napakagwapong pare ni Ninong, si Richard Gutierrez! Lahat ng bilin ni Ninong, handang ipamigay at ibalato ni Richard para sa mga Kapuso!

Buong tropa ang handang magpasaya at mamigay ng premyo ngayong Sabado, kaya tutok na 5:45pm sa Manny Many Prizes!

Makikipagkantahan rin ngayong Sabado sina Rhian Ramos, Kylie Padilla at Ynna Asistio! Samahan mo ng ng napakaseksing sina Bela Padilla at Rich Asuncion! Makikipagsayawan din sa atin sina Enzo Pineda, Steven Silva, Dominic Rocco!

At syempre kasama din ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquaio! 

Ngayong Sabado, bawal kumurap! Dahil bawat segundo, may malalaking kasiyahan, artista at papremyo na ipapamigay!
 
Dalawang milyong piso ang handang ipamigay ng Pambansang Kamao di lang sa mga nasa San Juan Arena kundi pati sa mga homeviewers!
Manny.

Related Content
Feeds
facebook
 
twitter