Kapuso Shows
Now Airing
Scan2go
 
About
Another Saturday, another wish comes true, courtesy of everyone’s favorite wish-granter, Vicky Morales.

Umaatikabong papremyo at sorpresa ang ihahandog ni pound-for-pound king at Sarangani Representative Manny Pacquiao para sa sambayanang Pinoy sa pamamagitan ng pinakabagong programa ng GMA-7, ang Manny Many Prizes.

Tuwing Sabado ng gabi, bibigyang pag-asa at kasiyahan ni Pacman ang mga karapat-dapat at nagpupursiging Pilipino. Lahat ng may angking galing at may natatanging achievement na nagbibigay-inspirasyon sa kapwa ay magkakaroon ng chance na tumanggap ng “biyaya” mula mismo kay Manny. Kaabang-abang kung anu-anong malalaking papremyo nag ibabahagi ng Filipino icon sa kanyang mapipiling lucky recipient.

Bukod sa pamimigay ng mga higanteng papremyo, handog rin ng Manny Many Prizes ang mga kapana-panabik na laro, walang tigil na sorpresa, at live performances mula sa hosts ng programa at bigating celebrity guests. Makakasama ni Manny sa bagong show na ito ang magandang si Rhian Ramos, talented actor na si Paolo Contis, singer-comedienne Gladys Guevarra, host/comedian na si Mike 'Pekto' Nacua at ang Olympic medalist-turned-comedian na si Onyok Velasco.

Ihahatid ni Manny ang pagbabago sa buhay ng maraming Pinoy kabilang ang saya sa buong pamilya sa Manny Many Prizes tuwing Sabado pagkatapos ng 24 Oras weekend sa GMA Sabado Star Power.
Next on Manny Many Prizes
Cast Info
Manny Pacquiao

Rhian Ramos

view casts
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter