Lumabas na sina Jake Vargas at Bea Binene sa Ilumina ngayong linggo. Marami ang nag-abang sa kanilang pagbabalik-telebisyon mula nang matapos ang First Time, at ngayon nga ay ganap na silang magtatambal as a tween love team sa kanilang bagong show. Very thankful si Jake dito at umaasa siya na patuloy silang susuportahan ng mga fans nila ni Bea sa Ilumina.
“Sana suportahan niyo po kaming lahat tulad ng pagsuporta niyo sa First Time. Sa mga fans namin ngayon, maraming-maraming salamat sa inyo,” says Jake.
Kitang-kita naman ang patuloy na pagsuporta ng mga fans ni Jake sa kanya at sa kanila ni Bea sa mga videos na lumabas sa kakatapos lang na Jake Vargas ‘Ngiti’ Promo, kung saan maraming entries ang naglalaman ng mga litrato at videos nila ni Bea. Sa mga entries na pinadala ay napili ang tatlo sa mga may pinakamagandang music videos na nagawa para sa kanta ni Jake na sumikat sa First Time, ang ‘Ngiti’. Sina Ferlyn Mae Villafuerte from Canada, Bryan Michael Oliveros from Navotas at Jayson Sinlao from Quezon City ang mga napili na manalo ng cash prize at makilala si Jake ng personal sa Walang Tulugan with the Master Showman.
Naroon ang iGMA.tv sa taping ng Walang Tulugan para kamustahin si Jake matapos niyang makilala ang mga winners . Ano kaya ang pakiramdam niya ngayong nakilala na niya ang mga winners?
“Siyempre, masaya ako ngayon dahil mayroon nang napili na nanalo, ayun nga, si Bryan at si Jayson,” kuwento ni Jake about meeting the two fourteen-year old winners. “Masaya naman ako dahil na-meet ko na sila.”
Natulala at tila nahihiya naman ang dalawa nang una nilang makita ang kanilang idol na si Jake. Si Jake mismo ang nag-abot sa kanila ng kanilang cash prize, at siyempre ay kinantahan din ni Jake ang mga ito.
Samantala, very thankful naman si Jake dahil ang first prize winner na si Ferlyn Mae Villafuerte ay piniling i-donate ang kanyang napanalunan sa GMA Kapuso Foundation. Hindi kasi nakarating si Ferlyn, and in a letter that she sent to Walang Tulugan ay sinabi niyang alam niya na mas maraming nangangailangan ng pera kaysa sa kanya.
“Nagpapasalamat ako kay Ferlyn. Maraming maraming salamat sa kanya dahil imbes na mapunta sa kanya, idinonate niya sa GMA, at dito sa Walang Tulugan,” mensahe niya.
Mukha namang natuwa si Jake sa mga naging videos ng tatlo, at hinihikayat pa niya ang mga fans an gumawa ng sarili nilang music video para sa ‘Ngiti’.
“Sana sa susunod meron pang mai-upload na ‘Ngiti’ videos,” he says.
Mapapanood ang kabuuan ng Meet and Greet ni Jake Vargas at ng mga winners ng ‘Ngiti’ Promo sa Walang Tulugan ngayong Sabado, August 28, and next Saturday, September 4, dito lang sa GMA.
Pag-usapan si Jake sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get the latest updates on Jake. Just text JAKE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) JAKE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. Dec 02, 2011
May kissing scene si Jake at Daiana?



