Magkakasundo naman sila Bong at Camila na isantabi muna ang away upang hanapin si Daisy.
Episode 31
Episode 30
Halos abot kamay na ni Bong ang kanyang anak ng mahuli siya ng kidnapper! Mapapalaban tuloy an gating Daddy Dearest! Buti na lang ay nandiyan si Winnie para tulungan si Bong! Kayanin kaya ng powers nila ang mga henchman na ito?
Episode 29
Sina Mercedes nga ang may pakana ng pagdukot kay Daisy. Gusto niyang bigyan si Bong ng distraction at siguruhin ang pagka-proclaim niya bilang presidente ng kanilang kumpanya.
Magkakasundu naman sila Bong at Camila na isantabi muna ang away upang hanapin si Daisy.
Episode 28
Laking gulat ni Bong ng malaman niyang nawawala ang anak niyang si Daisy! Tuluyan na ngang umalis ang bata mag-isa. Maiisip din ni Daisy na mali ang desisyon niyang lumayas pero bago pa siya makabalik kay Bong ay may ibang taong kukuha kay sa kanya!
Episode 27
Hindi maniniwala si Bong sa mga bintang ni Camila. Isusumbat ni Bong kay Camila ang kapabayaan niya noon kay Daisy. Pakiramdam niya ay sinisiraan lang daw niya sina Ivy. Sasama naman ang loob ni Camila sa maling interpretasyon ni Bong sa mabuti niyang intensyon. Ipapangako niya na hindi na niya guguluhing ulit ang mag-ama. Tama nga kaya ang desisyon ni Bong na kampihan sina Ivy?
Episode 26
Nabuking na nga ni Camila ang masamang balak nila Ivy, Mercedes at Marco laban kay Bong. Hindi na magpapatumpik-tumpik pa si Camila at agad niyang pupuntahan si Bong para ipaalam ang tungkol dito. Mabubuko na nga kaya ang mga kontrabida sa buhay ng ating Daddy Dearest?





