Now Airing
Born Impact
 
'Wag palagpasin ang 'One True Love!'
Nov 19, 2008
Joey Abacan was right when he said GMA and Regal Films "saved the best for last" this year with their final quarter team-up, 'One True Love.' Kagabi ang premiere ng nasabing pelikula, at hindi maipagkakaila na isang obra talaga ito ni direk Mac Alejandre. Sa SM Megamall Cinemas 9 and 10 ipinalabas ang movie, pagkatapos ng mini-presscon sa Goldilocks, na isa sa mga sponsors ng pelikula. starsNagkagulo ang mga fans nang makita nila sina Dingdong Dantes, Marian Rivera and Iza Calzado na papasok ng movie theater. Walang tigil ang pag-click nila ng mga camera, at pagsigaw ng mga pangalan ng kani-kanilang mga paboritong aktor at aktres. Noong sinabi ni direk Mac during iGMA's past interview that the film's love story is "compelling," he wasn't lying. Sa totoo lang, napakaganda ng premise ng pelikula, at nabigyang justice ito ng main cast. The acting of Iza Calzado was seamless, to say the least. Napaka-crucial ng character niya to the movie, kaya naman hindi talaga masasabing "supporting role" siya. In truth, pang-Best Actress ang performance niya, lalung-lalo na sa mga eksenang nagkakaharap sila ni Joy (Marian), at ang parte na kakausapin niya sa restaurant si Migs (Dingdong) sa banding huli ng pelikula. The movie audience even gave Iza a big round of applause after that scene! Si Marian naman ay hindi nagpahuli sa acting chops ni Iza. Seeing the two girls together onscreen was impressive, because of the subtlety of their acting that imitates real life. Walang bangayan, walang overdramatic scenes, at walang "OA," ika nga. Lahat, natural na natural. starsIbang-iba rin ang chemistry ni Dingdong sa kanyang respective leading ladies. Says Sir Joey of GMA Films, "Si Dingdong kasi is a very, very good leading man. Kahit kanino mo siya ipares, alam mong gentleman siya, alam nating gwapo siya-lalo na ngayon. Naging leading man na rin siya ni Iza Calzado, kaya lang iba naman yung istilo ng ginawa nila doon. Kasi pag pinag-compare mo si Iza at saka si Marian, magkaibang-magkaiba [ang characters nila]. Si Iza Calzado, makikita mo parating malumanay, si Marian galawgaw na galawgaw. So nag-iiba yung team up dahil sa dalawang babae. Makikita mo yung chemistry, nag-iiba. Kung paano nagre-react si Dingdong sa pagkamalumanay ni Iza, maganda ring makita kung paano siya nagre-react kasama ni Marian." starsHindi mo maiiwasang mapaluha sa certain scenes kung saan torn ka kung sino ang kakampihan mo: si Bela (Iza) ba, na childhood sweetheart ni Migs, o ang kanyang asawa na si Joy na kanyang nakalimutan? One particularly striking scene was the part where Migs woke up from his coma and couldn't recognize his own wife. Instead, he looked for Bela, his ex-girlfriend. Priceless ang acting ng tatlong main cast dito, at mapapa-bilib ka ngang may amnesia si Dong! "Alam mo noong unang ipinagsama si Marian at si Dingdong sa isang teleserye, isang tingin mo pa lang sa kanila, alam mo nang may chemistry na sila. At hindi na kailangan i-explain pa kung bakit mukha sila talagang in love, kasi bagay na bagay silang dalawa. And then, lalagyan pa siya ng isang third wheel, na talagang nakasama na rin nila sa mga pelikula, at sa teleserye. Dito sa pelikulang ito, makikita mo yung tatlo na magtutulong-tulong para bigyang buhay yung mga characters sa storya," pahayag ni Sir Joey. Other things viewers need to watch out for are the three love scenes, Dingdong's "sexy dance," and the resolution of the plot. You'd think it'd be a depressing ending, because one party is bound to get hurt, but you'd actually leave the theater with a light and happy heart, and a dire need to give your loved one a big hug. Sabi nga ni Sir Joey, "Itong taon na ito, we saved the best for last, so ito ang pinakamagandang pelikula na ginawa ng Regal at GMA Films." --Text by Jillian Q. Gatcheco. Photos by Erick Mataverde and Connie M. Tungul. Special thanks to the NMI Production Team for Joey Abacan's interview. Patamisin ang November niyo by catching the movie's nationwide showing on November 19, 2009!
 


 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter