
"Galing sa UK ang mga materials. It is actually a cultural show, mga events na nakakatawa. Like sa UK meron silang parang annual na event dun na magbabato ng cheese on top of a hill pababa, tapos mag-uunahan silang kumuha ng cheese na ‘yun at may women at men’s division pa! (laughs)," ang kwento ni Marvin tungkol sa pinakabago niyang show sa GMA. Ayon naman kay Ms.Cecille de Guzman, ang Program Unit Manager ng show, "It is a cross between Whacked Out Sports and Video Zonkers. Hindi ba sa Video Zonkers parang sila-sila lang then they’ll put it (videos) up, parang ganun. These videos are taken as it happens." Ikinuwento pa ni Marvin na meron siyang bagong ka-love team dito sa show at talaga namang kakaiba ang chemistry nilang dalawa. "Meron po akong puppet na kabatuhan ng lines at nagre-react kami sa mga videos, si Paps," ang natatawang paliwanag niya sa amin. Totoo namang dapat abangan ito ng mga Kapuso viewers dahil aside from the funny and outrageous videos na mapapanood natin, isa na namang naiibang Marvin Agustin ang makikita natin sa “Bilib Ka Ba Nights” ng GMA. "Itotodo na natin ang comedy ni Marvin, kasi sa totoo lang pag makita si Marvin dito parang katawa-tawa lang siya (chuckles) pero dumami naman ang shows niya!" ang sabi ni Direk Dominic Zapata, ang equally funny at talented na director ng Outrageous and Courageous. Huwag palampasin ang Outrageous and Courageous na mga videos from all over the world tuwing Martes sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA! Talk about this new show sa iGMA forums. FANATXT MOBILE SERVICES Get in touch with MARVIN. Text MARVIN [Your Message] Send to 4627 for Globe, TM, Sun, Smart and Talk ‘N Text. GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS MARVIN to 4627 *for all telcos.*



