
Although hindi lang ito ang nag-iisang show ni Direk Dom, makikita ang dedication niya sa mga projects na ibinibigay sa kanya ng GMA. “Ako po ay tinuturing nilang isang equipment na lang ng GMA ngayon. 'Tapos na ba kayo kay Dominic? O sige, i-pull out niyo na, ilipat na ‘yan sa kabila,’” ang pagbibiro ng loveable na director nang tanungin siya ng press kung nakakapagpahinga pa siya since siya rin ang director ng much-awaited Richard Gutierrez- starrer, ang Zorro. Siya rin ang nakatakdang mag-direk ng first feature ng bagong drama anthology ng GMA Idinagdag pa ni Direk Dom na he doesn’t mind working hard kasi he is used to the schedule and the workload. “Nagkakasakit po ako kapag nakakapahinga ako. Ako po, kahit wala akong work, ayokong matulog, ayokong masanay (laughs),” kuwento ng masipag na director, habang tawa naman ng tawa ang mga press. Truly Direk Dom has the right attitude when it comes to work, kaya naman lahat ng mga artista at mga staff na nakakatrabaho niya, all have positive remarks para sa bata at magaling na director.

“He brings the character out of me," pahayag naman ni Marvin Agustin nang tanungin namin siya about Direk Dom, whom he has worked with before sa La Lola. "At first, 'pag sinabi niyang gawin ko, of course I have to do it because he is my director. I have to give him my full trust, but it would always turn out great, so why fight it?” Tiyak naman na Direk Dom will bring out the comedian in Marvin, who by the way also enjoys doing comedy. Kaya huwag palampasin ang Outrageous & Courageous tandem nila Marvin at Direk Dom every Tuesday sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA. Talk about this topic sa iGMA forums.



